Saturday, June 3, 2017

Ang milagrong nabili ng P50 (True Story)

Ang milagrong nabili ng P50 (True Story)




Narinig ni Tess (8 na taon) ang pag-uusap ng kanyang ama at ina tungkol sa kanyang nakababatang kapatid na si Andrew. Alam niyang may malubha itong sakit at wala na silang pera para panggastos sa medikasyon nito. Sa katunayan ay mapipilitan na silang lumipat sa isang maliit na apartment dahil hindi na nila kaya ang bayarin sa bahay at sa mga gamot. Isang napakamahal na operasyon lamang ang makakapagligtas sa kanyang kapatid at wala na silang makuhaan ng pera para dito. Narinig niya ang sabi ng lumuluhang ina niya sa kanyang ama na isang milagro na lang ang makakapaligtas kay Andrew.

Pumasok si Tess sa kanyang kuwarto at kinuha ang isang garapon na nakatago sa kanyang cabinet. Ibinuhos niya ang lahat ng laman nito at masinsinang binilang ng tatlong beses pa. Hindi siya dapat magkamali. Pagkatapos ay maayos niyang ibinalik ang pera sa garapon at lumabas ng bahay. Ika-6 na bloke mula sa kanilang bahay ay may isang pharmacy at doon ang lugar na tinungo ni Tess. Hinintay niyang maigi na pansinin siya ng pharmacist ngunit abala ito. Pinagalaw niya ang paa para makalikha ng ingay pero wala pa rin.Lumunok siya na may kasamang tunog pero wala pa rin.

Sa wakas, kumuha na siya ng barya mula sa kanyang garapon at pinukpok ang salamin sa counter ng pharmacy.

Pharmacist: at ano ang kailangan mo?
kinakausap ko ang kapatid ko na matagal ko ng hindi nakikita

Tess: gusto rin kitang makausap tungkol sa kapatid ko
malubha siya, napakalubha niya at gusto kong bumili ng milagro

Pharmacist: pakiulit nga ang sinabi mo

Tess: ang pangalan niya ay Andrew at may masamang tumubo sa ulo niya at ang sabi ni Papa ay milagro na lang ang makakapagligtas sa kanya. So magkano ba ang halaga ng milagro?

Pharmacist: Hindi kami nagbebenta ng milagro dito bata. Sorry pero hindi kita matutulungan. Makinig ka, may pera ako para bayaran ang pagpapagamot niya. Kung kulang pa sabihin mo lang kung magkano ang gagastusin ninyo.

Lumapit ang kapatid ng pharmacist kay Tess.

Kapatid: ano bang klaseng milagro ang kailangan ng kapatid mo?

Tess: hindi ko alam
ang alam ko ay may sakit siya at kailangan niyang maoperahan
pero hindi kaya ni Papa ang gastos sa operasyon
kaya gagamitin ko sana itong pera ko

Kapatid: magkano ang dala mo

Tess: 50 pesos
ito lang talaga ang pera ko
pero pwede ko pa itong dagdagan

Kapatid: ang pagkakataon nga naman
50 pesos ang tamang halaga para sa milagrong kinakailangan ng iyong kapatid

Kinuha niya ang pera ni Tess.

Kapatid: dalahin mo ako kung saan ka nakatira
gusto kong makita ang kapatid mo at makausap ang mga magulang mo
tingnan natin kung kaya ko bang ibigay ang milagrong kinakailangan mo

Ang kapatid ng pharmacist ay isang surgeon mula sa Chicago, ito ay isa neurosurgery specialist. Naisagawa ang operasyon ng libre at di kalaunan ay naging maayos na ang lagay ni Andrew at nakauwi na ito sa bahay. Masayang-masaya ang Mama at Papa ni Tess sa mga pangyayari at pinag-usapan nila ang swerteng naganap.

Mama ni Tess: isang milagro ang nangyaring operasyon na ito
magkano kaya ang totoong halaga ng operasyon

Ngumiti lamang si Tess. Alam niya ang halaga ng milagro. 50 pesos at ang pananampalataya ng isang bata.

Tuesday, May 9, 2017

Ang pag-uusap ng mag-ama

Isang araw habang may ginagawa ang ama ay lumapit at kinausap ito ng batang anak.
Anak: Daddy pwede bang magtanong?
Ama: Sure, ano ba iyon?
Anak: Dad, magkano ba ang kinikita mo sa isang oras?
Nabigla ang ama at nalungkot.
Ama: Hindi ka dapat nakikialam sa mga usaping ganyan..Anong klaseng tanong yan...
Anak: Sige na po. Gusto ko po talaga malaman kung magkano ang kita niyo sa isang oras..
Ama: kumikita ako ng 300 pesos kada oras
Anak: oh
At napayuko ang bata. Bigla itong tumingin sa ama.
Anak: Dad, pwede ba akong manghiram ng 100 pesos?
Nagalit ang ama.
Ama: Yan ba ang dahilan lang ng pagtatanong mo, para makahinga ng pera para bumili ng laruan o mga walang kwentang bagay, pumasok ka na nga sa kwarto mo. Matulog ka na. Nagpapakahirap ako sa trabaho araw araw at hindi ko gusto ang ganyang pag-uugali.
Tahimik na sumunod ang bata at pumasok sa kwarto.

Umupo ang ama at galit pa rin. Iniisip nito na ang dahilan ng pagtatanong ng anak. Nakuha pa nitong tanungin ang sahod niya para lamang makahingi ng pera. Makalipas ang isang oras ay humupa na rin ang galit nito. Baka nga may gusto talagang bilhin ang anak at hindi naman ito palaging humihingi ng pera. Pinuntahan ng ama ang bata sa kanyang kwarto.
Ama: tulog ka na ba anak?
Anak: hindi daddy, gising pa ako.
Ama: Naisip kong baka masyado lang akong istrikto kanina. Masyado lang kasi akong stress at ikaw ang napagbuntunan ko. Eto na ang 100 pesos na hinihingi mo.
Agad na umupo ang bata at ngumiti.
Anak: thank you dad.
Agad na inabot ng bata ang ilalim ng kanyang unan at doon kinuha ang mga nakalukot na mga pera.

Nang makita ng ama na may pera na pala ang anak ay akmang magagalit na naman ulit ito.
Binilang ng bata ang pera at tumingin sa ama.
Ama: Bakit ka pa nanghihingi ng pera kung meron ka na pala
Anak: kasi kulang pa ang pera ko at ngayon ay sapat na. Meron na akong 300 pesos. Pwede ko bang bilhin ang isang oras mo dad? Umuwi ka ng maaga bukas. Gusto kong makasabay ka sa hapunan.

Hindi na nakapagsalita ang ama.

Hindi natin dapat palampasin ang araw na hindi natin naipapakita ang pagpapahalaga at oras sa mga taong mahalaga sa ating buhay. Kapag nawala tayo sa mundo, ang kumpanyang pingsisilbihan natin ay agad tayong mapapalitan. Pero ang pamilya at kaibigan na naiwan natin ay habang-buhay na dadalhin ang bigat ng ating pagkawala sa kanilang buhay.


Saturday, April 22, 2017

Ang Araw ng mga Ina

Ang Araw ng mga Ina


Isang lalaki ang huminto sa isang flower shop para umorder ng isang pumpon ng bulaklak para sa ipadeliver sa kanyang ina. May 200 milya ang layo kasi ang pagitan ng tirahan ng lalaki mula sa kanyang ina kaya ipapadeliver na lang niya ito para sa Mother's Day.

Pagbaba niya sa sasakyan, nakita niya ang isang batang babae na umiiyak sa tabi ng flower shop.

Lalaki: bakit ka ba umiiyak?

Batang babae: Gusto kasing bumili ng pulang rosas para sa mama ko, kaya lang wala akong pera.

Napangiti ang lalaki.

Lalaki: halika sumama ka sa akin at ibibili kita ng rosas

Binilihan ng lalaki ang bata ng rosas at bumili na rin siya para sa kanyang ina.

Nang papaalis na sila ay inalok niya ang bata na ihatid sa kanila.

Batang babae: sige po. dalhin niyo po ako kay mama.

Ibinigay ng bata ang direksiyon papuntang sementeryo. At doon inilagay ng bata ang rosas sa isang bagong libingan.

Bumalik ang lalaki sa flower shop at para icancel ang delivery ng bulaklak. Kinuha niya ang pumpon ng bulaklak para siya na mismo ang maghatid at bumisita sa kanyang ina.

Saturday, March 18, 2017

Kung Ano Nagawa Mo ay babalik rin sayo

Isang araw ay nakita ng isang lalaki ang isang matandang babae sa gitna ng kalsada. Kahit medyo dumidilim ang paligid dahil sa ulan ay napansin pa rin ng lalaki na nangagailangan ng tulong ang matandang babae.
Kahit nakangiti ang lalaki ay nag-alala pa rin ang babae. Ilang oras na kasi siyang nakatayo doon pero ni isa ay walang nagbakasakali na siya ay tulungan. Dahil sa mahirap at mukhang patay gutom ito kaya iniisip niya kung mapagkakatiwalaan ba ito. Nahalata ng lalaki na natatakot ang matanda at tila nanlalamig.

Lalaki: Nandito ako para tulungan kayo ma'am.
Bakit hindi na lang kayo pumasok sa loob ng sasakyan para hindi kayo malamigan. Ako nga pala si Bryan Santos.

Pumutok ang gulong ng kotse ng babae pero dahil sa edad niya ay nahirapan siya dito. Sinimulan ng ayusin at palitan ni Bryan ang gulong. Matapos ito ay nadumihan at sumakit ang mga kamay niya. Habang ginagawa niya ang sasakyan ay kinausap siya ng matanda. Sinabi nito kung saan siya galing at malaki ang pasasalamat niya sa pagtulong ni Bryan.

Napangiti lang si Bryan. Tinanong ng babae kung magkano ang ibabayad niya dito. Mayaman ang babae at kahit magkano ay ibibigay niya. Iniisip niya kung ano kaya ang nangyari sa kanya kung hindi dumating si Bryan. Pero hindi inisip ni Bryan na may kapalit ang kanyang pagtulong. Para sa kanya hindi ito trabaho. Ito ay ang pagtulong sa mga nangangailangan at alam ng Diyos na marami na rin ang tumulong sa kanya nung siya man ay nangailangan din. Namuhay siya ng ganito at kahit kailanman ay hindi niya inisip ang humingi ng kabayaran sa kanyang pagtulong.

Bryan: Kung gusto niyo talaga akong bayaran ay tulungan niyo na lang sa susunod na may makita kayong nangangailangan at isipin niyo ako.

Hinintay ni Bryan na makaalis ang babae. Napakalamig ng panahon at may dinadala rin siyang problema pero gumaan ang loob niya ng siya ay may natulungan. Dumiretso na si Bryan sa bahay.

Ilang milya ang dumaan at may nakita ang babae na isang maliit na cafe. Naisipan niyang magmerienda muna dito. Mukhang madumi ang restaurant at hindi siya sanay sa ganitong uri ng lugar. Binigyan siya ng waitress ng tuwalya para pampunas sa basa niyang buhok. Nakangiti ang matanda, mula ng tulungan siya ni Bryan ay hindi na nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Napansin ng babae na mukhang 8 buwan ng buntas ang waitress pero hindi pa rin nito iniinda ang pagod at nanatili itong maayos at magalang sa kanya. Naisip niya na may mga tao pala na kahit salat sa buhay ay nanatili pa ring mapagbigay sa kapawa. At naisip niya si Bryan.

Matapos kumain ay binayaran na ng matanda ang kanyang bill. Ibibigay na sana ng waitress ang sukli pero agad agad ng umalis ang babae at sadyang iniwan ang kanyang sukli. Iniisip ng waitress kung saan niya makikita ang matanda at doon ay nakita niyang may nakasulat sa napkin na naiwan sa mesa.

Napaiyak ang babae ng nabasa niya ang mensahe ng matanda...

Mensahe: Hindi ka magkakautang sa akin. Minsan na rin akong napunta sa sitwasyon mo. Meron din tumulong sa akin, gaya ng pagtulong ko sa iyo ngayon. Kung gusto mo talaga akong bayaran, ito ang dapat mong gawin..huwag mong hayaan na matapos dito ang pagpalaganap ng kabutihan sa kapwa. Sa ilalim ng napkin na ito ay may P20,000.

Madami pa ang mesang lilinisin, plato na pupunuin at mga kustomer na kailangan pagsilbihan, lahat ito kinaya ng buntis na waitress. Nang gabi din iyon at habang pahiga na siya sa kama ay naisip niya ang matanda at ang pera. Paano nalaman ng matanda na kailangan niya at ng asawa ang pera. Sa susunod na buwan na siya manganganak at mahirap talaga ang gastos. Alam niyang nag-aalala ang asawa niya. Bago siya mahiga sa tabi nito ay hinalikan niya ang asawa sa pisngi sabay bulong ng "huwag ka ng mag-alala, may pambayad na tayo sa hospital. I love you Bryan Santos..

Saturday, March 11, 2017

7 Kamangha-mangha

Si Ana ay 9 yrs old na nagmula sa isang maliit na nayon. Nakatapos si Ana ng grade 4 sa kanilang nayon. Ngayon ay kailangan na niyang mag-aral ng grade 5 sa siyudad na malapit sa kanilang nayon. Masayang-masaya si Ana at natanggap siya sa isang kilalang eskwelahan sa siyudad. Ngayon ang unang araw ng eskwela at excited na si Ana. Sumakay siya ng bus papuntang paaralan.

Nang makarating sa paaralan ay isa-isa ng pumasok ang mga sakay nito sa kanilang silid-aralan. Nang makita nila ang simpleng suot ni Ana at malaman na nagmula ito sa probinsya ay agad nila itong kinutya. Dumating ang guro at hiniling ang mga bata na tumahimik. Ipinakilala ng guro si Ana sa kanyang mga kaklase.

Matapos nito ay sinabi ng teacher na sila ay magkakaroon ng agarang pagsusulit. Sinabihan niya ang mga mag-aaral na isulat ang 7 kamangha-mangha sa mundo. Ang lahat ay agad na nagmamadaling sumulat ng sagot. Maging si Ana ay nagsimula na rin sa pagsulat.

Ipinasa na ng lahat ang kanilang papel maliban kay Ana.

Guro: anong nangyari?
huwag kang mag-alala, isulat mo na kung ano ang alam mo kasi naituro ko na ito noong nakaraang araw sa mga kaklase mo

Ana: iniisip ko kasi na marami pa sa 7 ang pwede ko pang isulat

Matapos nito ay ibinigay na ni Ana ang kanyang papel sa guro. Sinimulan ng basahin ng guro ang sagot ng mga mag-aaral. Marami sa kanila ay isinagot ang The Great Wall of China, Colosseum, Stonehedge, Great Pyramid of Giza, Leaning Tower of Pisa, Tajmahal, Hanging Gardens of Babylon atbp. Masaya ang guro at naalala ng kanyang mga estudyante ang kanyang itinuro. Sa huli ay binasa ng guro ang papel ni Ana.

Ang 7 kamangha-mangha ay - ang kakayahang makakita, ang kakayahang makarinig, ang kakayahang makaramdam, tumawa, ang makapag-isip, ang maging mabuti at ang kakayahang magmahal.

Nasurpresa ang guro at natahimik ang buong klase. Ngayon ay ipinaalala sa kanila ng isang batang taga-nayon ang mga mahalagang regalo na pinagkaloob sa atin ng Diyos na talaga namang kamangha-mangha.

Saturday, February 11, 2017

Pagpapahalaga sa hirap ng trabaho

Isang fresh graduate na mahusay sa akademiya ang nag-aapply bilang isang manager sa isang malaking kumpanya. Nakapasa siya sa unang interview at ang huling mag-iinterview sa kanya ay ang director mismo ng kumpanya at siyang magdedesisyon ng kanyang kapalaran. Nakita ng director sa records ng aplikante na napakahusay nito sa iskwela at napakaraming achievements nito mula sekondarya hanggang sa nakapagtapos.

Iskolar ka ba sa eskwelahan niyo? tanong ng director.

Hindi po ako iskolar, sagot niya.

Director: Ang tatay mo ba ang nagbabayad ng tuition fee mo?

Aplikante: Namatay ang tatay ko nung ako ay isang taong gulang pa lamang, ang nanay ko ang nagbabayad ng tuition fee ko.

Director: Saan ba nagtratrabaho ang nanay mo?

Aplikante: Labandera po ang nanay ko

Hiniling ng director na makita ang mga kamay ng aplikante. Napakakinis at tila perpekto ang kamay ng aplikante.

Director: Tinutulungan mo ba ang nanay mo sa paglalaba?

Aplikante: Hindi po, gusto kasi ni nanay na lagi akong mag-aral at magbasa. Isa pa mas mabilis naman si nanay maglaba kesa sa akin.

Director: Meron akong isang hiling. Kapag nakauwi ka na sa inyo, linisin mo ang mga kamay ng nanay mo at bumalik ka dito bukas ng umaga.

Pakiramdam ng aplikante na mataas ang posibilidad na siya ay matanggap sa trabaho. Nang makauwi siya, masaya niyang sinabi sa kanyang ina na lilinisin niya ang mga kamay nito. Bahagyang nanibago ang ina, at masaya nitong ipinakita ang mga kamay sa anak. Dahan-dahan sa paglilinis ng kamay ang aplikante. Napaluha siya habang ginagawa ito. Ngayon lamang niya napansin na napakakulubot na ang kamay ng kanyang ina at marami pa itong gasgas. May ibang gasgas na masakit at nanginginig pa ang ina ng kanya itong banlawan ng tubig.

Na-realized ng aplikante na ang mga kamay na ito ay walang tigil sa paglalaba araw-araw para siya lamang ay may ipambayad sa kanyang paaralan. Ang mga gasgas sa kamay ng ina ang naging kapalit para siya ay makapagtapos at magkaroon ng magandang kinabukasan. Matapos linisin ang kamay ng ina ay tinapos na rin ng aplikante ang labahin na hindi pa natatapos labhan ng ina. Noong gabi rin iyon ay nag-usap ang mag-ina ng matagal. Kinaumagahan ay bumalik ang aplikante sa opisina.

Napansin ng director na namamaga ang mata ng aplikante dahil sa pag-iyak.

Director: Pwede mo bang sabihin sa akin kung ano ang ginawa mo at natutunan kagabi sa inyong bahay?

Aplikante: Nilinis ko ang kamay ni nanay at tinapos ko na rin labhan ang mga labada niya.

Director: At ano ang naramdaman mo?

Aplikante: Una, alam ko na ang pagpapahalaga. Kung wala si nanay ay hindi ko mararating kung ano ako ngayon. Ikalawa, sa pamamagitan ng pagtulong ko kay nanay, narealize ko ang hirap at pagod para matapos ang isang gawain. Ikatlo, ngayon naiintindihan ko na dapat pahalagahan at panatilihin ang magandang samahan ng isang pamilya.

Director: Iyan ang hinahanap ko na katangian para sa isang manager. Isang taong may pagkilala sa tulong ng iba, yung ramdam ang paghihirap ng iba para lamang matapos ang kanyang gawain, isang taong hindi lamang pera ang layunin sa buhay. Tanggap ka na.

Kapag ang isang tao ay hindi naranasan at naiintindihan ang hirap ng isang mahal sa buhay para siya ay mabigyan lamang ng maginhawang buhay, ay hindi nila ito kailanman pahahalagahan. Importanteng maranasan mo ang hirap at matutunang pahalagahan ang ginagawa nila kapalit ng ibinibigay nila na kaginhawaan.

Saturday, January 28, 2017

Ang basang pantalon

Image and video hosting by TinyPic

May isang siyam na taong gulang na bata na nakaupo sa kanyang desk, sa hindi inaasahan ay biglang nakaihi ang bata at ito ay tumulo sa kanyang pantalon. Nabasa ang pantalon ng bata lalong lalo na sa harapan na mahahalatang siya ay nakaihi.

Pakiramdam ng bata ay tumigil ang pagtibok ng kanyang puso dahil sa sobrang kaba. Paano ba ito nangyari hindi naman siya dating ganito. Kapag nalaman ng mga kaklaseng lalaki ito ay hindi na siya titigilan ng mga ito.

Kapag ang mga kaklaseng babae naman ang nakaalam ay malamang hindi na siya kakausapin ng mga ito habang buhay. Sobrang kaba ang nararamdaman niya kaya napayuko ang bata at nagdasal.

"Dear God emergency po ito. Kailangan ko po ng tulong. Limang minuto mula ngayon ay patay ako sa mga kaklase ko.

Matapos magdasal at maghintay ng sagot sa kanyang panalangin ay nakita ng bata ang kanyang guro na nakatingin sa kanya na para bang alam ang nangyari sa kanya.

Nang papalapit na ang kanyang guro, ang kaklase niyang si Susie na may dalang bowl goldfish na nakalagay sa bowl na puno ng tubig ang lumapit sa kanya. Natapilok si Susie sa harapan ng guro at natapon ang dalang tubig nito sa pantalon ng bata.

Nagkunwari ang batang nakaihi na siya ay galit sa pagkakatapon sa kanya ng tubig. At gayunman sa isip ng bata ay ang pagpapasalamat sa Diyos sa pagbibigay sa kanya ng tulong.

Kaya sa halip na maging katatawanan ang bata ay naging kaawa-awa ito sa paningin ng mga kaklase. Tinulungan ito ng guro at binigyan ng shorts pampalit sa nabasang pantalon nito.

Ang ibang bata naman ay nilinis at pinunasan ang desk ng batang nakaihi. Mabuti na sana ang nangyari ngunit sinisisi ng iba si Susie sa pagiging lampa nito.

Nang matapos ang klase, habang naghihintay sila sa bus ay nilapitang ng batang lalaki si Susie.

Sinadya mo ang pagkakatapon ng tubig no, tanong ng batang nakaihi.

Ganyan din ako dati, nakaihi rin ako, sagot ni Susie.

Lahat tayo ay dumaan sa mabuti at masamang pangyayari sa ating buhay. Dapat nating alalahanin ang ating naramdaman nung tayo ay nakaranas ng di-magandang karanasan at huwag pintasan ang mga taong pinagdaanan din ito. Lagi mong iintindihin ang hirap ng kanilang sitwasyon at ilagay ang sarili natin sa kanilang lugar at ipagdasal natin na tayo ay nasa maayos na kalagayan para tumulong sa mga taong nangangailangan.