Wednesday, April 15, 2026

Veil of Shadows Episode 18 Tagalog

 Pumunta si Wu Shiguang kay Chi Wen para hanapin si Wu Wangyan, pero sinabi ni Chi Wen na halos imposible itong mahanap dahil ang Formless Moon ay sobrang protektado at mahirap pasukin.

Pagdating nina Bai Ze at iba pa, may nadiskubre silang delikado—may fragment ng kaluluwa ni Jiu Ying na nakatago mismo sa loob ni Shiguang. Para mapigilan ito, binigyan siya ni Chi Wen ng espesyal na bracelet. Sinabi rin ni Shiguang na halos kumpleto na nila ang mga fragments, kaya balak niyang pumunta sa Formless Moon para iligtas si Wangyan at tapusin na ang lahat. Sumama si Chi Wen, lalo na dahil nag-aalala rin siya kay Lu Wuyi.

Sa loob ng Formless Moon, kinompronta ni Wu Wangyan ang “Fox King” at tinawag niya itong si Jiu Ying. Inamin ni Jiu Ying na siya ang nasa likod ng lahat—kinontrol niya si Wangyan noon at ginamit siya sa massacre, at pinanatili siyang buhay para maging kahinaan ni Shiguang. May mga fragments pa raw siya sa Oracle Stone.

Samantala, nakita ni Lu Wuyi si Wangyan na nakakulong. Sinabi ni Wangyan ang totoo—wala na ang tunay na Fox King, at si Jiu Ying ang nagpapanggap at gumagamit ng pekeng propesiya para kontrolin ang sect at maghasik ng kaguluhan.

Habang pinapasok nina Shiguang, Chi Wen, at Bai Ze ang Formless Moon, ginamit ni Chi Wen ang kapangyarihan niya para pilitin ang ibang fox spirits na sumunod. Pero kahit ganoon, hindi pa rin sapat ang lakas ni Shiguang para sirain ang mga seal, kaya ibinigay ni Bai Ze ang sarili niyang bahagi ng Dragon Deity power sa kanya.

Doon lumabas ang mas shocking na katotohanan—ang “Chi Wen” na kasama nila ay hindi pala ang tunay, kundi si Ji Ling na nagpapanggap. Ang totoong Chi Wen ay naka-seal, at si Ji Ling ang gumagamit ng identity at kapangyarihan niya.

Mas malala pa, matagal nang kakampi ni Ji Ling si Jiu Ying. Ang plano nila ay palakasin muna si Shiguang at palalimin ang pagmamahalan nila ni Wangyan, tapos papatayin si Wangyan sa harap niya. Sa sobrang sakit, mawawalan ng kontrol si Shiguang at doon sasakupin ni Jiu Ying ang katawan niya para magamit laban sa tunay na Chi Wen.

At kapalit ng pagtulong niya, gusto ni Ji Ling na manatili bilang Dragon Deity magpakailanman.

No comments:

Post a Comment