Sunday, April 19, 2026

Veil of Shadows Episode 27 Tagalog

 Kinabukasan, nagising si Lu Wuyi at bumalik na ang paningin niya—pero wala na si Ji Ling. Doon niya nalaman ang katotohanan: isinakripisyo ni Ji Ling ang sarili niya at ibinigay ang dragon scale niya para mabuhay si Wuyi. Bago siya tuluyang mawala, binantayan pa niya ito habang natutulog, umaasang magkakaroon siya ng tahimik at masayang future.

Sa loob ng consciousness ni Ji Ling, nakatagpo ni Li Jie si Yuan Wuhuo at doon niya naintindihan ang pinagmulan nila. Samantala, bumalik si Jiu Ying gamit ang katawan ni Lu Wuyi. Lumabas na may itinago siyang spirit fragment at piraso ng Oracle Stone sa loob nito, kaya halos imposible siyang tuluyang mapatay. Kahit ginaya pa niya ang anyo ni Ji Ling para guluhin si Wuyi, lumaban pa rin ito dahil alam niyang hindi iyon ang tunay na Ji Ling.

Sa kabilang banda, kinausap ni Li Jie si Wu Shiguang at hiniling na kung sakaling magkita sila ni Ji Ling sa hinaharap, iparating na naiintindihan na niya kung sino talaga siya. Samantala, nag-propose si Shiguang kay Wu Wangyan gamit ang bracelet na may dragon scale, at tinanggap niya ito. Nagkaroon sila ng sweet at emotional na moment, piniling pahalagahan ang oras na meron sila.

Pero hindi nagtagal ang katahimikan. Pagbalik ni Wangyan sa Formless Moon, biglang lumitaw si Lu Wuyi na kontrolado ni Jiu Ying at inatake ang fox clan, pinipilit silang sumunod sa kanya. Sinubukan ni Wangyan na pigilan siya pero natalo siya agad.

Habang tumatakbo ang mga pangyayari, nalaman din ang totoo tungkol kina Li Jie at Yuan Wuhuo—iisa lang pala sila noon na nahati sa dalawang katauhan: isa na gustong protektahan si Ji Ling, at isa na gustong tapusin ang paghihirap nito. Bago tuluyang mawala si Yuan Wuhuo, nakatagpo siya ng kapayapaan sa alaala ng pamilya niya.

Para tuluyang matapos si Jiu Ying, pumunta sina Shiguang, Wangyan, at You Chi sa Formless Moon. Ipinakita ni Wangyan sa fox clan ang katotohanan gamit ang kanyang memories. Nang lumabas ang bagong prophecy, sinira ni Shiguang ang Oracle Stone at tuluyang naputol ang koneksyon ni Jiu Ying sa mundo.

Pagkatapos ng lahat, nagluksa ang grupo sa pagkawala ni Ji Ling. Si Lu Wuyi, kahit buo na ulit ang katawan niya, ay labis pa ring nasasaktan—lagi niyang kasama ang puppet na may suot na damit ni Ji Ling bilang alaala. Samantala, kinilala ng mga tao si Wu Shiguang bilang bagong Dragon Deity, pero para kay Li Jie, hindi iyon patas dahil si Ji Ling ang tunay na nagsakripisyo.

Itinago nila ang heart stone ni Ji Ling at dinala ito sa Dragon Abyss, umaasang balang araw, kahit matagal pa, ay makakabalik siya.

Sa huli, nagsama-sama ang grupo para alalahanin ang mga nawala—sina Bai Ze, Si Feng, at lalo na si Ji Ling. Inamin ni Wu Shiguang na si Ji Ling pa rin ang tunay na Dragon Deity sa puso ng mga tao. At sa dulo, kinausap ni Wu Wangyan si Lu Wuyi at hinikayat siyang magpatuloy sa buhay—dahil iyon ang kapalit ng sakripisyo ni Ji Ling.

No comments:

Post a Comment