Sunday, April 19, 2026

Perfect Crown Episode 4 Tagalog

 Nagsimula ang Episode 4 sa paghalik ni Yi-an kay Hui-ju—pero plot twist, para lang pala ito sa paparazzi. Nagulat si Hui-ju sa una, pero mabilis siyang sumabay nang malaman niyang may nanonood sa kanila. Kinabukasan, pinag-uusapan ito ng buong palasyo.

Sa palace meeting, gusto ni Yi-an na i-public ang relasyon nila kahit maraming tutol dahil commoner at “illegitimate” si Hui-ju. Hindi siya nagpatalo, at sinuportahan pa siya ni Jeong-woo. Si Hui-ju naman, nakikita ang mga negative comments sa TV pero chill lang siya.

Nag-suggest si Hui-ju na maging bold at “shameless” sila para makuha ang approval ng publiko, kaya nag-date sila sa isang baseball game. Doon, nagkaroon ng selosan (lalo na kay Yi-an kay Jeong-woo), at maraming awkward at funny moments—lalo na sa kiss cam na muntik na naman silang mapahalik.

Mas nakilala rin natin si Yi-an—sobrang higpit ng buhay niya bilang royal, hanggang sa pagkain at simpleng bagay, bawal. Doon mas na-realize ni Hui-ju kung gaano siya ka-restricted buong buhay niya.

Sa bahay naman, nagsimula ang training ni Hui-ju bilang future royal kasama si Court Lady Jin-sook. Pero instead na siya ang mahirapan, parang siya pa ang nag-take over, at nauwi pa sa bonding nila—sobrang funny ng eksena. Nagulat si Yi-an pagdating niya.

Habang nangyayari lahat ito, may mga plano pa rin si Yi-rang, at mukhang conflicted si Jeong-woo pero patuloy pa rin niyang sinusuportahan si Yi-an.

Biglang naging intense ang lahat nang isakay ni Hui-ju ang batang hari sa sports car niya. Biglang pumalya ang preno at nawalan siya ng kontrol. Just in time, dumating si Yi-an at sinalo ang bangga gamit ang sarili niyang sasakyan para iligtas sila. Nasugatan siya, pero pinakita niya kung gaano kalalim ang concern niya kay Hui-ju.

Sa dulo, may flashback sa kiss cam moment—inaasar ni Yi-an si Hui-ju na halikan siya, at kitang-kita na may totoong feelings na sa likod ng “fake” nilang relasyon.

No comments:

Post a Comment