Monday, April 13, 2026

Veil of Shadows Episode 2 Tagalog

Natagpuan si Wei Qing na nakatali sa workshop. Nagalit siya kay Wu Shiguang dahil sa pagdukot, pero bigla siyang umubo ng dugo at nawalan ng malay. 

Sinuri siya ni Ji Ling at nalaman na matagal na pala siyang nilalason. 

Dahil mahina na ang kapangyarihan ng kanyang magic ring, hindi siya kayang gamutin ni Ji Ling kaya kailangan agad ng antidote.

Pagkatapos, ginamot ni Ji Ling ang malalim na sugat sa leeg ni Lu Wuyi. 

Sinamantala naman ito ni Lu Wuyi para landiin siya, kaya medyo na-distract at nataranta ang batang demon hunter.

Sa hall, inamin ni Luo Wei na siya ang nag-hire kay Wu Shiguang para magpanggap na groom para lumabas ang fox demon.

 Ipinagtanggol ni Wu Wangyan ang sarili niya sa pamamagitan ng pagpapakita ng putol na buntot ng fox at sinabing hinahanap niya ang totoong demonyo—si Xiaowei.

Si Xiaowei ay isang fox demon na nailigtas ng isang tao noon at nahumaling sa paghahanap sa reincarnation nito, na pinaniniwalaan niyang si Wei Qing. 

Para manatiling makapangyarihan, pumapatay siya at kinukuha ang mga puso ng tao. 

Dahil mahal ni Wei Qing si Yu Shengwei, balak na rin siyang patayin ni Xiaowei.

Samantala, lasing si Liu Weixue at walang silbi, at idineklara ni Wu Shiguang na lahat ay suspek at bawal umalis sa mansyon hangga’t hindi nahuhuli ang killer.

Gustong umalis ni Luo Wei para sa negosyo, pero pinigilan siya ni Wu Shiguang at nilagyan ng tracking seal ang lahat. 

Biglang lumala ang sitwasyon—nalaman nilang niloko sila ni Xiaowei. 

Lahat ng pumasok na walang dalang regalo ay may death curse na unti-unting kukuha ng kanilang mga pandama hanggang mamatay.

Kasama sa may sumpa sina Wu Shiguang at ang iba, kaya naiwan na suspects sina Luo Wei, Yu Shengwei, at Liu Weixue.

 Isinara ni Wu Shiguang ang mansyon habang iniimbestigahan nila.

 Kakaiba si Liu Weixue pero mukhang hindi killer, habang kahina-hinala naman sina Luo Wei at Yu Shengwei dahil pinagtatakpan nila ang isa’t isa.

Unti-unti nang nawawala ang pakiramdam ng mga cursed. Samantala, palihim na pumasok sina Ji Ling at Li Jie sa kwarto ni Luo Wei, nalaman na may alam siya sa lason, at nahanap ang antidote—kaya naligtas si Wei Qing.

Pagkagising ni Wei Qing, wasak siya sa pagtataksil ni Luo Wei. Pagkatapos, sinundan nina Wu Shiguang at Wu Wangyan ang isang clue at natuklasan ang koneksyon ng mga dating biktima sa kanilang mga asawa.

Sa pavilion, inalok sila ng attendant ng talisman kapalit ng donasyon at isang lihim, pero napansin niyang nagsisinungaling si Wu Wangyan. 

Tinali siya ni Wu Shiguang, at pinilit umamin gamit ang spell ni Wu Wangyan.

Inamin ng attendant na cursed ang mga talisman—pinapagawa nitong sobrang devoted ang isang tao, pero kapag nagbago ang isip ng gumamit o sinira ang charm, mapipilitan ang biktima na punitin ang sarili niyang puso dahil sa matinding sakit.




No comments:

Post a Comment