Nagsimula ang Episode 5 sa matinding eksena kung saan sinadya ni Prince Yi-an na banggain ang sasakyan ni Hui-ju para iligtas siya at ang hari. Siya ang sumalo ng impact kaya nasugatan siya at naoperahan, habang nawalan ng malay si Hui-ju. Buti na lang, minor lang ang injuries ng hari, pero naging komplikado ang sitwasyon dahil si Hui-ju ang nagmamaneho.
Sa ospital, puno ng tensyon. Hindi pwedeng ilabas sa publiko ang totoong nangyari dahil baka maapektuhan ang imahe ng hari. Successful naman ang surgery ni Yi-an. Pagkagising ni Hui-ju, agad niyang pinuntahan si Yi-an—may halong lambing at kulitan ang mga eksena nila, halatang may feelings sila sa isa’t isa.
Pero nagbago ang lahat nang marinig ni Yi-an na sinabi ni Hui-ju na pakakasalan niya siya dahil sa status. Nasaktan siya, kaya kahit mahal niya si Hui-ju, bigla niyang kinansela ang engagement nila, kunwari para protektahan siya. Pero sa totoo lang, itinutulak niya ito palayo dahil sa guilt at nararamdaman niya.
Nasaktan at nalito si Hui-ju, lalo na’t sabay-sabay ang problema—pinapagalitan siya ng pamilya, nasisira ang reputasyon niya, at nasira pa ang relasyon nila ni Yi-an. Pero hindi siya sumuko at sinimulan niyang imbestigahan kung sino ang may pakana sa sasakyan niya.
Na-reveal din na pinakiusapan ni Jeong-woo si Yi-an na makipaghiwalay, at may trauma rin si Yi-an dahil sa pagkamatay ng nanay niya—kaya iniisip niyang mas safe si Hui-ju kung lalayo siya.
Kahit hiwalay na sila, halatang may care pa rin si Yi-an—pinadalhan niya si Hui-ju ng invitation sa isang exclusive royal banquet. Noong una, tumanggi siya, pero kalaunan pumayag din.
Sa banquet, nagpakita si Hui-ju na confident at matapang—dumating siya naka-modern white suit, na parang hinahamon ang royal rules at si Yi-rang. Ang daming tension pero kalmado niyang hinarap.
Sa huli, pinili ni Yi-an na panindigan si Hui-ju. Hinawakan niya ang kamay nito sa harap ng lahat, pinapakita na handa siyang ipaglaban siya.
Nagtapos ang episode na may halong kilig
No comments:
Post a Comment