Para ma-rewind ang oras ng 50 taon, ipinaliwanag ni Xie Lingxi na kailangan niyang isuko ang lahat ng kapangyarihan niya at bumalik sa tunay niyang anyo bilang demonyo para mabuksan ang spacetime rift. Delikado ito, kaya si Li Jie ang sumalo ng matinding sakit habang pinananatiling bukas ang rift, at si Hua Qi naman ang tuloy-tuloy na nagpapagaling sa kanya. Samantala, haharapin ni Wu Shiguang si Jiu Ying, at si Ji Ling ang papasok sa rift para baguhin ang nakaraan—kahit ibig sabihin ay burahin si Lu Wuyi.
Habang nagaganap ang laban, unti-unting nagkakaroon ng sakripisyo: nag-alay ng buhay ang fox clan para patatagin ang mundo, namatay si Jin Zheng, at isinakripisyo rin ni Mo Yuntan ang sarili para protektahan ang iba.
Sa loob ng rift, nahirapan sa simula si Ji Ling, pero dahil sa pinagsamang lakas ng mga espiritu at ng Ji Can, lumakas siya at nagtagumpay. Nakabalik siya sa nakaraan, natalo ang pekeng Fox King, at nakuha ang huling piraso ng Oracle Stone.
Sa kasalukuyan, pansamantalang nabawi ni Lu Wuyi ang kontrol sa katawan niya. Nakiusap siya kay Shiguang na sirain ang huling piraso ng Oracle Stone sa loob niya, kahit alam niyang mawawala siya. Bago siya maglaho, pinakiusap niyang sabihin kay Wangyan na nami-miss niya ito. Nang masira ang bato, tuluyang nahigop si Jiu Ying sa rift, at nawala si Lu Wuyi nang payapa, iniisip si Ji Ling na papunta sa kanya dala ang mga bulaklak.
Kasabay nito, isinakripisyo rin ni Wu Wangyan ang sarili para maprotektahan ang mundo habang nagre-reset ang timeline.
Sa loob ng rift, may bagong bersyon ni Lu Wuyi na nagising at nakilala si Ji Ling. Kahit wala siyang alaala, komportable siya rito. Magkasama nilang ginamit ang kapangyarihan para tuluyang ma-reset ang mundo.
Sa bagong timeline, bumalik ang lahat sa ayos. Buhay na muli ang mga namatay, at nagkaroon ng kapayapaan. Si Wu Shiguang ay nanatiling Dragon Deity at muling nakasama si Wangyan. Si You Chi ay naging mas responsable, at si Li Jie naman ay naglakbay para hanapin ang sarili niya.
Sa bagong mundong ito, simpleng buhay na lang ang pinili ni Ji Ling bilang isang flower shop worker. Isang araw, dumaan si Lu Wuyi—kahit hindi na nila maalala ang nakaraan, may kakaibang koneksyon pa rin sa pagitan nila. Binigyan niya ito ng bulaklak, at binigyan naman siya ni Wuyi ng berries. Ipinapakita nito na kahit ilang beses magbago ang panahon, babalik at babalik pa rin sila sa isa’t isa.
No comments:
Post a Comment