Sunday, April 19, 2026

Veil of Shadows Episode 21 Tagalog

 Sa loob ng enchanted painting, nakilala nina Wu Wangyan at Wu Shiguang si Su Jian—isang masayahin at outspoken na babae na kamukhang-kamukha ni Mu Long. Kahit nakatakda siyang pakasalan ang childhood friend niyang si Cui Jun, wala siyang balak gawin iyon dahil para sa kanya, parang kapatid lang ito. Ang gusto niya ay isang “perfect love”—yung dramatic at parang kwento sa fairy tale. Natupad ito nang makilala niya si Han Ba, na araw-araw niyang hinahabol, kahit hindi ito nagsasalita. Hindi niya alam na demon si Han Ba at delikado kapag nagsalita ito.

Habang pinapanood nila ang mga alaala, narealize ni Wangyan na ito pala ang sarili niyang nakaraan. Ginamit niya si Su Jian para sa misyon—pinatulog niya ito sa parang patay na estado at niloko si Han Ba na kailangan nitong magsalita para magising si Su Jian. Dahil mahal niya si Su Jian, napilitan si Han Ba na magsalita at magtapat ng damdamin—pero nagdulot ito ng matinding tagtuyot. Nang magising si Su Jian, patay na ang kanyang ina dahil sa kaguluhan.

Sa huli, tinanggap ni Han Ba ang parusa pero nakiusap na burahin ang alaala ni Su Jian para hindi ito masaktan. Sinelyuhan ni Wangyan ang kanilang kwento sa isang pendant. Kahit nawalan ng alaala, may lungkot pa ring nararamdaman si Su Jian. Kalaunan, iniligtas siya ni Han Ba gamit ang demonic power. Nagpakasal siya kay Cui Jun, pero nagkita pa rin sila ni Han Ba paglipas ng maraming taon.

Dito narealize ni Shiguang na ang masasayang alaala ni Wangyan kasama si Lu Wuyi ay hindi pala totoo—ninakaw lang ito mula sa memories niya kay Su Jian. Ibig sabihin, may nag-manipulate ng memories nila, at si Lu Wuyi ang posibleng may gawa.

Sa labas ng painting, kinompronta ni Ji Ling si Lu Wuyi, at doon niya inamin ang katotohanan—hindi siya totoong fox demon. Isa siyang nilikhang “monster” ni Jiu Ying gamit ang mga bahagi ng ibang fox demons at pati puso ni Wu Wangyan. Kaya pala may malalim na koneksyon si Wangyan sa kanya.

Inamin din ni Lu Wuyi na kaya niyang i-rewind ang oras, pero kapalit nito ay unti-unting pagkasira ng katawan niya. Paulit-ulit niyang binabalikan ang parehong pangyayari para hindi malaman ni Wangyan ang totoo. Ginagawa niya ito dahil takot siyang mawala ang “kapatid” niya.

Sa huli, humingi siya ng tulong kay Ji Ling. Naantig si Ji Ling sa sitwasyon niya at nangakong tutulungan siya para ayusin ang lahat at harapin ang hinaharap nang magkasama.

No comments:

Post a Comment