Nagkakagulo ang Luo’an dahil may sunod-sunod na patayan kada 7 araw—pinuputol ang puso ng mga biktima kaya iniisip ng lahat na may demonyo.
Habang naghahanda si Wei Qing para sa kasal niya, kumuha siya ng demon hunters para protektahan ang mansion.
Pero nagiging komplikado ang lahat nang dumating ang fox demon na si Lu Wuyi, na nagkunwaring pinsan ng bride.
Samantala, si Wu Shiguang, isang demon hunter, nagplano ng fake kidnapping para makapasok sa mansion at hanapin ang fox demon na hinahabol niya.
Muntik na siyang magtagumpay, pero naloko siya ni Lu Wuyi—ginamit niya ang charm niya para pagselosin si Wei Qing kaya pinalayas si Wu Shiguang.
Kahit ganun, ramdam niya na may mali sa “pinsan” na iyon.
Habang papalapit na naman ang ika-7 araw ng mga patayan, palihim na bumalik si Wu Shiguang sa mansion, pinatulog si Wei Qing, at nagkunwaring siya ang groom gamit ang magic.
Nakita ito ni Lu Wuyi at agad niyang sinumbong sa kapatid niyang si Wu Wangyan, isang fox priestess. Nasa Luo’an sila para hulihin si Xiaowei, isang traydor na fox demon.
Dahil alam niyang peke ang groom, nagkunwari rin si Wu Wangyan bilang bride para harapin siya.
Sa araw ng kasal, dumating ang dalawang demon hunters pero hindi pinapasok, kaya umakyat na lang sila sa pader at napansin ang kahina-hinalang galaw ng steward.
Sa loob, nagtanggal ng disguise sina Wu Shiguang at Wu Wangyan at naglaban nang matindi.
Sumali pa ang dalawang hunters kaya naging magulong laban. Para makatakas, nagkunwaring hostage si Lu Wuyi—pero plano lang talaga nila iyon ng kapatid niya.
Ginamit ni Wu Shiguang ang enchanted beads at pulang sinulid para itali si Wu Wangyan.
Sa gulo, madaling naloko si Ji Ling sa arte ni Lu Wuyi, pero si Li Jie hindi nagpauto at itinulak pa si Lu Wuyi papunta kay Wu Shiguang.
Biglang naputol ang lahat nang may sumigaw—may nakita silang bangkay na walang puso.
Natagpuan din ang asawa nito na takot na takot. May hawak pang papel ang biktima na may nakasulat na “Weimiao Pavilion.”
Habang nag-iimbestiga, may nakita pa silang isa pang bangkay na nagyelo.
Kahit mukhang gawa ni Wu Wangyan, hindi siya ang may sala dahil nakatali siya noon.
Biglang may nakita si Wu Shiguang na anino ng fox at hinabol niya ito papunta sa isang weaving workshop.
Nahuli ni Wu Shiguang ang nilalang gamit ang magic net, pero nakatakas ito gamit ang yelo at tumakbo papunta sa loft.
Doon, nadatnan niya ang bride na si Yu Shengwei, ang steward na si Luo Wei, at ang pinsan na si Liu Weixue.
Ipinaliwanag ni You Chi ang tungkol sa kanila: magaling sa embroidery ang bride, misteryosong tumulong si Luo Wei sa pamilya at may gusto raw kay Wei Qing, at si Liu Weixue naman ay mandirigma na umiiwas sa laban.
Habang kumpleto na sila—kasama ang fox sisters at hunters—sinabi ni Wu Shiguang na nasa kanila lang ang killer.
Biglang tumahimik ang lahat nang may kakaibang ingay na nanggaling sa isang kahon.
No comments:
Post a Comment