Monday, April 6, 2026

Appendage

Si Hannah ay nakaupo sa mesa kasama ang kanyang mga magulang nang bigla siyang makaramdam ng matinding sakit sa kanyang tagiliran, at may umbok na unti-unting lumitaw.
 
Pero maya-maya, nawala rin ito.
Kalaunan, makikita si Hannah na nananahi, at natusok niya ang kanyang daliri habang ang kanyang nobyo ay natutulog na.
 
Kinabukasan, nakatanggap siya ng isang nakaka-stress na mensahe sa kanyang phone, at sandaling bumalik ang sakit sa kanyang tagiliran. 

Hindi niya ito pinansin at pumasok sa trabaho.
Sa trabaho, napansin nila ng kanyang best friend na may dugo ang manggas ng bagong damit na ginawa niya, at pinagalitan siya ng kanyang boss. 

Tumakbo siya sa banyo at nakita niyang dumudugo ang umbok, pero pinaniwalaan niyang parang menstrual cramps lang iyon.

Gabi na, sinubukan siyang lambingin ng kanyang nobyo, pero pinigilan niya ito nang malapit na ito sa kanyang tagiliran. 

Gumawa siya ng dahilan para umalis. Pag-uwi niya, habang nagdo-drawing, ang umbok ay naging maliit na ulo na parang halimaw na may maliliit na braso. 

Nagsimulang kutyain siya nito hanggang sa tuluyang lumabas mula sa kanyang tagiliran, at nawalan siya ng malay.

Pagkagising niya, inatake siya ng halimaw, pero napigilan niya ito sa pamamagitan ng paghagis dito sa pader. 

Matapos balutan ang kanyang sugat, nakakuha siya ng inspirasyon mula sa damit na may dugo at gumawa ng bagong disenyo. 

Dinala niya ang puting damit na may pulang disenyo sa opisina, at nagustuhan ito ng kanyang boss.

Nagpatingin si Hannah sa isang dermatologist, na nagsabing ang “skin irritation” ay nasa kanyang birthmark at posibleng dulot ng pagkakaroon ng dalawang DNA—parang na-absorb niya ang kambal niya habang nasa sinapupunan pa ng kanyang ina.

Kalaunan, habang nasa bar kasama ang kaibigan sa trabaho, naging paranoid si Hannah nang paulit-ulit mag-message ang kanyang nobyo sa phone ng kaibigan niya. 

Pag-uwi niya, nakita niya ulit ang halimaw, na nag-alok na tulungan siya. Tinali niya ito at dinala sa basement ng apartment.

Kinabukasan, dumating ang kanyang nobyo at best friend para yayain siyang lumabas, pero pakiramdam niya ay naiilang siya dahil sa hinala niyang may relasyon ang dalawa. 

Naghanap siya online at nakakita ng meetup para sa mga taong may kaparehong kondisyon. Doon, may mga umamin na mayroon din silang “appendage” na pinapakalma nila gamit ang gamot bawat linggo. 

Bumili si Hannah ng gamot at nakipagkape sa isa sa kanila.
Pagbalik sa bahay, sinubukan niyang patahimikin ang kanyang “appendage.” 

Dumating si Kaelin at kinompronta siya, pero nagalit siya at pinaalis ito. 

Sa trabaho naman, napagbuntungan niya ng galit si Esther. 

Lumipas ang ilang linggo na patuloy niyang pinapatahimik ang appendage at nakikipagkita kay Claudia mula sa meetup.

Isang gabi, ibinahagi ni Hannah kay Claudia ang isang insidente noong high school kung saan nabangga niya ang kotse at nasira ang party ng kanyang magulang. 

Sinabi ni Claudia na hindi kailangang agad patahimikin ang appendage—pwede itong pakinggan dahil nagsasabi raw ito ng totoo tungkol sa hinaharap.

Pag-uwi ni Hannah, pinakinggan niya ang halimaw, na nagsabing hindi pa siya niloloko ni Kaelin, pero unti-unti na itong nahuhulog kay Esther. 

Sinubukan niyang gumamit ng syringe, pero wala nang laman, at nawalan siya ng malay.

Pagkagising niya, wala na ang halimaw. Tumawag ang kanyang ina para ipaalala na bumili siya ng pagkain para sa isang party. 

Pero habang dala ang pagkain, nasuka siya rito habang nakatingin ang kanyang ina na puno ng pagkadismaya, at sinisi pa siya sa kanyang mental health problems.

Pag-uwi niya, nakita niya ang halimaw na ngayon ay kamukha na niya, pero puno ng sugat at nana. 

Naglabas ito ng parang uod na pumasok sa katawan ni Hannah at tuluyan siyang nawalan ng malay habang kinukuha nito ang kanyang anyo.

Nang magising siya, inamin ni Claudia na siya ay isa ring appendage na pumalit na sa tunay na Claudia. 

Ang “appendage Hannah” ay nag-ayos ng relasyon nila nina Esther at Kaelin. 

Habang kinakaladkad ang totoong Hannah papunta sa basement para itali, nakita sila ni Esther at naghinala.

Kalaunan, nalaman na lahat ng miyembro ng meetup ay mga appendage. 

May lider silang nagsabing may paraan na para patayin ang kanilang host nang hindi sila namamatay.

Samantala, nailigtas ni Esther ang totoong Hannah at dinala sa ospital. 

Nang malaman nilang nasa panganib si Kaelin, bumalik sila sa apartment ni Hannah at nilabanan ang appendage na sina Claudia at Hannah.

Matapos manalo sa laban, nakipag-ayos si Hannah sa kanyang mga magulang at itinago ang kanyang appendage—na lumiit na parang sanggol—sa isang kuna sa attic.

No comments:

Post a Comment