Dumating si Bai Ze at nakita niya ang isang lalaking puti ang buhok na kamukha ni Ji Ling na biglang sumanib pabalik sa katawan nito. Ipinaliwanag niya na ito ay isang “Ji Can,” isang demonyo na nabuo mula sa dragon scale na hindi sinasadyang nalunok ni Ji Ling noon. Lumakas ito dahil sa matinding kalungkutan ni Ji Ling habang namumuhay siya bilang isang makapangyarihan pero nag-iisang Dragon God.
Naalala ni Ji Ling na yung kakaibang amoy na napapansin ng iba sa kanya ay galing sa dragon scale—isang malungkot at “empty” na pakiramdam na tanging mga taong tunay na nakakaintindi sa kanya ang nakakaamoy. Ngayon, mas lumalala ang takot niya: baka mabigo siya sa misyon, o mas masakit—magtagumpay nga pero mawala naman si Lu Wuyi. Binalaan siya ni Bai Ze na kung hindi siya pipili agad, tuluyan siyang kakainin ng Ji Can.
Pagdating ni Li Jie, sinabi nitong ninakaw ni Lu Wuyi ang Yu Ling Ring at ang kapangyarihan ng Dragon God, at nawawala na ito. Nang pumunta sila sa lungsod, nakita nilang wasak na wasak ang Luo’an. Sa simula, tinuring si Ji Ling na tagapagligtas, pero nang hindi niya agad maayos ang sitwasyon, nagalit ang mga tao at tinawag siyang pekeng diyos.
Samantala, narealize nina Wu Wangyan at Wu Shiguang na ang mga “panaginip” nila ay mga alaala mula sa paulit-ulit na timeline. Doon nila nalaman ang totoo—sa bawat cycle, hindi si Wangyan ang gustong iligtas ni Lu Wuyi, kundi si Ji Ling.
Nang magtagpo ulit ang grupo, ipinaliwanag ni Bai Ze na naloko ng “dragon aura” ng Ji Can ang Yu Ling Ring kaya kinilala nito si Lu Wuyi bilang master. Kinompronta ni Ji Ling si Wuyi, at lumabas ang buong katotohanan: sa original timeline, isinakripisyo ni Ji Ling ang sarili niya para tapusin ang tagtuyot. Dahil dito, nagkaroon si Lu Wuyi ng kapangyarihang i-rewind ang oras, at paulit-ulit niyang sinubukang iligtas siya.
Pero kahit ilang beses niyang baguhin ang pangyayari, laging namamatay si Ji Ling. Kaya ngayon, nagdesisyon siya na gamitin ang Dragon God’s power para pilitin na baguhin ang kapalaran—kahit labagin pa ang natural na batas ng mundo.
Habang sinusubukan siyang pigilan ng iba, madali niyang natalo ang lahat gamit ang mas pinalakas niyang magic mula sa maraming time loops. At sa gitna ng kaguluhan, biglang ibinunyag ni Li Jie ang tunay niyang pagkatao—siya pala talaga si Yuan Wuhuo.
No comments:
Post a Comment