Nagkita ulit sina Chi Wen at Yuan Wuhuo—ang kaibigan niyang akala niya ay patay na. Pero buhay pala ito at kakampi na ni Jiu Ying. Ipinakita ni Yuan Wuhuo na mas malakas na siya ngayon at nakuha pa niya ang kapangyarihan ng Dragon Deity mula kay Wu Zhiqi. Malamig na ang ugali niya at sinabi niyang gusto niyang pabagsakin si Chi Wen.
Bago siya humabol, pinigilan muna ni Chi Wen si Lu Wuyi gamit ang kapangyarihan niya para manatili ito sa ligtas na lugar, kahit ayaw nito.
Sa loob ng unti-unting namamatay na ilusyon, nagkita muli sina Wu Shiguang at Wu Wangyan kahit parehong sugatan. Alam nilang hindi na sila makakaligtas, pero sinabi ni Wangyan na wala siyang pagsisisi basta magkasama sila. Hiling lang niya na huwag siyang kamuhian ni Shiguang. Sa huli, nagyelo sila at namatay na magkayakap.
Sa labas, sinubukan silang iligtas ng grupo. May fragment ni Jiu Ying na humarang, pero nagsakripisyo ang ama ni You Chi para talunin ito at muling buksan ang daan palabas. Dahil doon, nakalabas silang lahat sa ilusyon.
Pagkatapos, may lumitaw na espiritu ni Xie Lingxi at ibinunyag ang malaking sikreto—si Shiguang pala ay ang Tenth Dragon Son at nakababatang kapatid ni Chi Wen. Nilikha siya mula sa Dragon Stone, at ang massacre ng clan niya ay dahil hinahanap siya ni Jiu Ying para gamitin laban kay Chi Wen.
Nakaramdam ng matinding guilt si Shiguang, pero pinakalma siya ni Wangyan. Nalaman din niya na unti-unting nagigising ang kapangyarihan niya, at kailangan niyang makumpleto ito para maging tunay na dragon.
Samantala, nalaman ni Wu Zhiqi ang masakit na katotohanan—hindi talaga kayang ibalik ng Star Stone ang mga naging bato niyang clan. Isa lang itong kasinungalingan para bigyan siya ng dahilan mabuhay. Tinanggap niya ito at humiling na palayain na ang kanyang clan mula sa paghihirap bago siya tuluyang maglaho.
Sa ibang bahagi, hinabol ni Chi Wen si Yuan Wuhuo at naglaban sila. Sa una, nalagay sa alanganin si Chi Wen, pero nagising ang nakatagong kapangyarihan niya at nakabawi siya. Nakuha niya ang artifact, pero may problema—hindi bumalik sa kanya ang Dragon Deity power gaya ng inaasahan niya.
No comments:
Post a Comment