Tuluyan nang nakontrol ni Jiu Ying ang katawan ni Lu Wuyi at bumalik siya sa Formless Moon. Inutusan niya ang mga fox spirits na i-activate ang sinaunang Nuwa Formation para sirain ang apat na divine trees (Water, Earth, Fire, at Metal) na sumusuporta sa mundo—ibig sabihin, balak niyang wasakin ang buong mundo.
Samantala, nalaman ni Wu Shiguang na umalis si You Chi. Sa iniwan nitong sulat, inamin niya na pakiramdam niya hindi siya nababagay sa grupo at parang hindi siya kailangan, kaya nagdesisyon siyang umalis para hanapin kung saan siya tunay na belong. Pero bago pa siya hanapin ni Shiguang, dumating si Wu Wangyan dala ang malubhang sugatang si Canyue, na nagbabala tungkol kay Jiu Ying bago tuluyang mawala.
Dahil sa panganib, naghiwa-hiwalay ang grupo para protektahan ang apat na divine trees. Nagsimula nang manginig ang lupa at nagkaroon ng kaguluhan sa buong lugar. Dinala ni Shiguang ang mga tao sa ligtas na lugar at inassign ang mga kasama niya base sa kanilang kakayahan para ipagtanggol ang bawat puno.
Biglang sumulpot si Jiu Ying at halos hindi nila kayang tapatan ang lakas nito. Kahit magkasama sina Wangyan at Hua Qi, nahihirapan pa rin sila. Samantala, naramdaman ni You Chi ang panganib at bumalik. Kahit minamaliit siya, buong tapang siyang lumaban sa isang malakas na fox at nagtagumpay—pero malubha ang sugat niya at halos mamatay.
Dahil wala nang ibang paraan, naalala ni Shiguang ang prophecy at narealize niyang si Ji Ling ang susi. Gumamit siya ng Star Stone para pabilisin ang oras at maibalik si Ji Ling. Nagtagumpay ang plano, at pagbalik ni Ji Ling, natulungan niyang palayain ang fox spirits mula sa kontrol ni Jiu Ying.
Dahil sa guilt, nagdesisyon ang fox clan na isakripisyo ang sarili nila para linisin ang divine trees. Itinago ito ni Wangyan sa iba. Nang makarating siya sa isang puno, nakita niya si You Chi na naghihingalo. Sa huling sandali niya, sinabi niyang iparating kay Shiguang na hindi siya tumakbo—ginawa niya ang lahat ng makakaya niya.
Sa loob ng katawan niya, sandaling nakontrol ni Lu Wuyi ang sarili at nakiusap kay Ji Ling na patayin siya para matigil si Jiu Ying. Masakit man, ginawa nila ang plano at sinaksak siya ni Shiguang—pero kabaligtaran ang nangyari. Iyon pala ang gusto ni Jiu Ying: tuluyang masira ang kaluluwa ni Lu Wuyi para siya na ang ganap na makontrol ang katawan nito.
Ngayon, mas naging malakas si Jiu Ying dahil sa Oracle Stone fragment sa loob ni Wuyi, na nagbibigay sa kanya ng kakayahang mabuhay nang paulit-ulit.
Dahil wala nang ibang choice, nagdesisyon sina Shiguang at Ji Ling na bumalik ng 50 taon sa nakaraan para pigilan ang kapanganakan ni Lu Wuyi—kahit ibig sabihin nito ay tuluyan siyang mabubura.
Sa huli, naintindihan ni Xie Lingxi ang tunay niyang purpose—na siya pala ang susi para mangyari ang sakripisyong ito at mailigtas ang mundo.
No comments:
Post a Comment