Wednesday, April 15, 2026

Veil of Shadows Episode 19 Tagalog

 Sa wakas, nakumpleto ni Wu Shiguang ang sapat na Dragon Deity power para mabasag ang kontrol ni Jiu Ying at mailigtas si Wu Wangyan. Nagkita silang muli, at kahit tinutukso sila ni Lu Wuyi na parang mag-asawa na, hindi pa rin tapos ang panganib.

Sinabi ni Jiu Ying na puwedeng umalis ang lahat—maliban kay Lu Wuyi, dahil espesyal siya. Dito napagtanto ni Ji Ling ang totoo: si Lu Wuyi ay parang “painted skin” na nilikha para mangolekta ng emosyon at alaala para makontrol ni Jiu Ying ang Formless Moon Sect. Pero nagawa pa rin ni Ji Ling na maisama siya pabalik sa kanila pansamantala.

Sa Shilin Sect, sinubukan ni Yuan Wuhuo na manipulahin at sakupin ang katawan ni Li Jie, pero lumaban si Li Jie at tuluyang pinatay siya.

Pagbalik, sinubukan ni Ji Ling si Li Jie gamit ang isang sandata na tanging tunay na may-ari lang ang makakagamit—at nagtagumpay si Li Jie, kaya napatunayan ang tunay niyang pagkatao. Pero may kapalit ito: unti-unti nang nanghihina si Bai Ze dahil ibinigay niya ang kapangyarihan niya kay Shiguang. Kahit ganoon, wala siyang pagsisisi.

Samantala, nalaman nina Wu Wangyan at Lu Wuyi na may mga alaala silang binura ni Jiu Ying tungkol sa isang nakaraang misyon. Kailangan nilang hanapin si Han Ba para malaman ang buong katotohanan.

Pagkatapos, nag-open up si Ji Ling kay Lu Wuyi. Inamin niyang isa siyang fox demon na iniligtas noon ng tunay na Chi Wen. Gumawa siya ng “puppet” version ng sarili niya para maranasan ang buhay sa mundo—at iyon ang bersyon na nakilala ni Lu Wuyi.

Ibinigay niya sa kanya ang isang bagay na napakahalaga sa kanya, at doon nila tuluyang naintindihan ang damdamin ng isa’t isa. Binigyan din siya ni Lu Wuyi ng pares ng magical na gamit para kahit magkahiwalay sila, makakaramdam pa rin sila ng koneksyon.

Pero may mas mabigat na katotohanan—ang huling fragments ni Jiu Ying ay nasa loob ni Wu Shiguang, sa Oracle Stone… at kay Lu Wuyi mismo.

Ibig sabihin, para tuluyang matalo si Jiu Ying, kailangang mamatay si Lu Wuyi. Alam ito ni Ji Ling pero hindi niya sinasabi, at tahimik siyang nasasaktan habang iniisip ang mangyayari.

No comments:

Post a Comment