“Sana, mahal ko,” sabi ni Mr. Bennet sa asawa niya habang nag-aalmusal kinabukasan, “nakapagpa-prepare ka ng masarap na ulam ngayon, kasi may inaasahan akong bisita.”
“Sino ‘yon?” sabi ni Mrs. Bennet. “Wala naman akong alam na darating—maliban na lang kung dumaan si Charlotte Lucas. At sigurado naman akong sapat na ang pagkain ko para sa kanya! Hindi ko nga alam kung nakakain siya ng ganito sa kanila.”
“Ang tinutukoy ko ay isang gentleman—at hindi natin kilala.”
Nagliwanag ang mukha ni Mrs. Bennet. “Isang gentleman at hindi kilala? Sigurado akong si Mr. Bingley ‘yan! Aba, Jane—hindi ka man lang nagsabi! Ang tuso mo! Nakakatuwa naman! Pero—naku! Ang malas naman—wala tayong isda ngayon! Lydia, paki-ring ang bell! Kailangan kong kausapin si Hill agad!”
“Hindi si Mr. Bingley,” sabi ng asawa niya. “Isang taong hindi ko pa nakikita kahit kailan.”
Nagulat ang lahat at sabay-sabay silang nagtanong.
Pagkatapos mag-enjoy sandali sa kanilang curiosity, ipinaliwanag ni Mr. Bennet, “Mga isang buwan na ang nakalipas, nakatanggap ako ng liham mula sa kanya, at sumagot ako mga dalawang linggo na ang nakaraan. Medyo sensitibo ang usapan kaya kailangan kong pagtuunan ng pansin. Galing ito sa pinsan kong si Mr. Collins—na, kapag namatay ako, pwedeng paalisin kayong lahat sa bahay na ito kahit kailan niya gusto.”
“Ay naku!” sigaw ni Mrs. Bennet. “Ayoko nang marinig ‘yan! Huwag mo nang banggitin ang lalaking ‘yan. Napaka-unfair na mapunta ang ari-arian sa iba at hindi sa sariling mga anak! Kung ako lang sa’yo, matagal ko nang ginawa ang paraan para ayusin ‘yan!”
Sinubukan nina Jane at Elizabeth na ipaliwanag kung paano gumagana ang mana, gaya ng ginagawa nila dati, pero hindi pa rin nakikinig si Mrs. Bennet. Patuloy siyang nagrereklamo tungkol sa pagiging unfair nito sa kanilang limang anak na babae.
“Totoo namang hindi makatarungan,” sabi ni Mr. Bennet. “Pero kung pakikinggan mo ang liham niya, baka medyo gumaan ang loob mo.”
“Hindi ako maniniwala!” sagot ni Mrs. Bennet. “Napaka-impertinent niya na sumulat pa! At napaka-plastic! Bakit hindi na lang niya ipinagpatuloy ang away, tulad ng ginawa ng tatay niya?”
“Parang nagkaroon naman siya ng kaunting pagdadalawang-isip tungkol doon,” sabi ni Mr. Bennet. “Maririnig mo sa sulat.”
Binasa niya ang liham. Doon, sinabi ni Mr. Collins na nalulungkot siya sa alitan ng kanilang pamilya noon at gusto niyang ayusin ito. Ikinuwento rin niyang naging pari na siya at nabigyan ng posisyon dahil sa tulong ni Lady Catherine de Bourgh. Dahil sa tungkulin niya, pakiramdam niya responsibilidad niyang magdala ng kapayapaan sa mga pamilya. Humingi rin siya ng paumanhin dahil siya ang magmamana ng ari-arian, at sinabing handa siyang bumawi sa mga dalaga—bagamat hindi pa malinaw kung paano. Nagpaalam din siyang bibisita sa Lunes ng alas-kwatro at mananatili ng halos isang linggo.
“Kaya sa alas-kwatro, darating ang ‘peace-maker’ na ito,” sabi ni Mr. Bennet habang tinutupi ang liham. “Mukha siyang magalang at seryoso—at sigurado akong magiging interesting siyang makilala.”
“May punto naman siya tungkol sa mga anak,” sabi ni Mrs. Bennet. “At kung gusto niyang bumawi, hindi ko siya pipigilan.”
“Mahirap hulaan kung paano niya gagawin iyon,” sabi ni Jane, “pero maganda ang intensyon niya.”
Si Elizabeth naman ay napansin kung gaano siya ka-sobra sa pagrespeto kay Lady Catherine at kung gaano siya ka-eager sa pagiging pari.
“Parang kakaiba siya,” sabi niya. “Hindi ko siya maintindihan. Parang sobrang formal ng pananalita niya. At bakit siya humihingi ng paumanhin sa bagay na wala naman siyang kontrol? Sa tingin mo ba matino siya, Papa?”
“Hindi, anak,” sagot ni Mr. Bennet. “Sa tingin ko kabaligtaran pa nga. May halong pagiging sipsip at self-important sa sulat niya—kaya mukhang magiging entertaining siya. Excited na akong makilala siya.”
“Sa pagsusulat,” sabi ni Mary, “hindi naman masama ang liham niya. Medyo cliché ang ‘olive branch,’ pero maayos ang pagkakalahad.”
Sina Catherine at Lydia naman ay walang pakialam—hindi kasi siya officer, kaya hindi interesting para sa kanila.
Si Mrs. Bennet naman, unti-unting nawala ang inis at nagsimulang maghanda na salubungin siya nang maayos—na ikinagulat ng iba.
Dumating si Mr. Collins eksakto sa oras at magalang siyang tinanggap ng lahat. Hindi masyadong nagsalita si Mr. Bennet, pero ang mga babae ay handang makipag-usap—at si Mr. Collins ay hindi naman nahihiyang magsalita. Isa siyang matangkad at medyo mabigat na lalaki, mga 25 years old, na may seryoso at formal na kilos.
Hindi pa siya gaanong nakaka-upo nang purihin niya si Mrs. Bennet sa ganda ng kanyang mga anak. Sinabi niyang narinig na niya ang tungkol sa kanilang kagandahan, pero mas maganda pa raw sila sa personal. Dagdag pa niya, sigurado siyang makakapag-asawa silang lahat nang maayos. Hindi ito masyadong nagustuhan ng ilan, pero natuwa si Mrs. Bennet.
“Napakabait mo naman, sir,” sabi niya. “Sana nga mangyari ‘yan, kung hindi kawawa sila. Ang gulo kasi ng sistema.”
“Ang tinutukoy mo ay ang mana, tama ba?”
“Oo,” sabi niya. “Napakahirap nito para sa mga anak ko. Pero hindi kita sinisisi—ganyan talaga ang mundo.”
“Nauunawaan ko ang sitwasyon ng mga pinsan ko,” sabi ni Mr. Collins. “At marami pa akong masasabi, pero ayokong magmukhang masyadong forward. Masasabi ko lang na handa akong humanga sa kanila. Sa ngayon, hindi na muna ako magsasalita—siguro kapag mas magkakilala na tayo—”
Naputol siya nang tawagin na sila para kumain, at nagkatinginan ang mga babae.
Hindi lang ang mga dalaga ang pinuri niya—pati ang bahay, dining room, at mga gamit ay pinuri niya. Sana natuwa si Mrs. Bennet, kung hindi lang niya naisip na balang araw ay magiging pag-aari na ito ni Mr. Collins.
Pinuri rin niya ang pagkain at tinanong kung sino sa mga dalaga ang nagluto. Agad siyang kinorek ni Mrs. Bennet, medyo may inis, na kaya nilang magbayad ng cook at hindi kailangang magluto ng mga anak niya. Humingi siya ng paumanhin—at kahit sinabi nang okay lang, nagpatuloy pa rin siya sa pagso-sorry nang halos labinlimang minuto.
No comments:
Post a Comment