Saturday, April 11, 2026

Perfect Crown Episode 2 Tagalog

Nagsisimula ang Episode 2 ng Perfect Crown sa isang flashback ng 64th archery exhibition sa Seonggyungwan.

 Mataas ang tensyon sa pagitan ng dalawang leading houses, at patuloy na iniinsulto ni Min-seok si Hui-ju.

Pinatigil siya ni Prince Yi-an, habang si Jeong-woo naman, na kakampi ni Hui-ju, ay patuloy siyang ine-encourage. 

Naroon din ang hari, at halatang hindi siya natuwa na pinayagan ni Yi-an na manatiling bukas ang archery range.

Sa kasalukuyan, nagpatuloy ang usapan nina Hui-ju at Prince Yi-an. 

Binanggit niya ang kanyang yaman, galing sa negosyo, walang kwentang kapatid, at kagandahan—pero tinanggihan pa rin siya ni Yi-an.

Sinubukan ng mole ng Queen Mother na makinig sa usapan nila pero wala siyang narinig.

 Samantala, pinatawag ni Yi-rang ang isa sa mga anak ng pamilya Kim, pero halatang gusto lang niyang manggulo. 

Sinabi rin niyang gusto niyang makilala si Hui-ju.
Kahit na tinanggihan, hindi pa rin sumusuko si Hui-ju—lalo pa siyang na-motivate. 

Sinabi niya kay Hye-jung na niloloko lang siya ni Yi-an sa sinasabi nitong naghahanap siya ng love, at pati si Choi-hyun, sumang-ayon din matapos marinig ang side ni Yi-an.

Sa kahit anong paraan, iginiit ni Hui-ju na alam niya kung ano ang gusto ni Prince Yi-an—at determinado siyang mapasakanya ito. 

Tinawagan niya ang PR manager at humingi ng isang lihim na pabor. 

Nag-background check ito sa Prince at nalaman ang schedule niya.

Sa mga sumunod na araw, nagpapakita si Hui-ju sa lahat ng lugar na pinupuntahan ni Yi-an.

 Dahil naka-leave siya at kadalasang mag-isa, sinamantala niya ito.

Samantala, pumunta si Hui-ju sa blind date na inayos ng kanyang ama—pero sinira niya agad ito matapos niyang sabihing magiging useless na asawa ang lalaki. 

Nasaktan ang ego nito kaya tinanggihan ang kasal.
Sa isang art exhibit, nakasalubong niya si Choi-hyun at nagbiro tungkol sa pagbili ng artwork mula sa private collection ng Prince.

Kalaunan, nabanggit ni Choi-hyun na nakita niya si Hui-ju na may ka-date na ibang lalaki.

 Naiinis si Yi-an pero pilit na kalmado. Mas lalo pa siyang na-offend nang sabihin ni Choi-hyun na akala niya ay ipinadala si Hui-ju ng Queen Mother.

Iginiit ni Yi-an na masyadong magkaiba sina Hui-ju at ang Queen Mother para magkasundo. 

Nagbiro si Choi-hyun kung sino ang mananalo sa kanila kung wala ang hierarchy, na ikinainis ni Yi-an.

Samantala, naalala ni Yi-rang ang araw na balak mag-abdicate ng hari—sobrang galit niya kaya sinunog niya ang decree at sinabing mas gugustuhin pa niyang mamatay. 

Hindi nagtagal, nagkaroon ng sunog at namatay ang hari.
Nang dumating si Yi-an at makita ang kapatid niyang patay, ang naitanong na lang niya ay tungkol sa pamangkin niyang tagapagmana.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin siyang hinahabol ng trauma, kaya nagkaka-nightmares at insomnia siya. 

Sinusubukan siyang alagaan ni Choi-hyun, pero hindi ito madali.

Sa palasyo, inihahanda ni Yi-rang ang batang hari para sa unang event nito nang wala si Yi-an, pero kahit si Yi-an duda kung kakayanin niya.

Ang hari ay dapat dumalo sa Economic Honours ceremony kung saan isa si Hui-ju sa mga awardees. 

Pinayuhan siya ni Hye-jung na magpakabait.
Sa huli, hindi kinaya ng batang hari at tinawag si Yi-an, na agad dumating at inayos ang lahat.

Sa pagtanggap ng award, hiniling ni Hui-ju sa hari na isuot sa kanya ang Eosahwa hat, tapos pabirong humingi ng regalo kay Yi-an—pero tumanggi ito. 

Sa pictorial, kapansin-pansing sa likod niya pumwesto si Yi-an.
Pagkatapos i-post ang kanyang award, naghanda si Hui-ju para sa bakasyon at nakipag-dinner kay Jeong-woo, na bumati sa kanya. 

Halatang may gusto siya kay Hui-ju simula pa noong school days nila.

Samantala, lumala ang kondisyon ni Yi-an pagkatapos ng event at napunta siya sa hotel dahil sa mataas na lagnat.

 Kumuha ng gamot si Choi-hyun, pero tumanggi si Yi-an na pumunta sa Royal Hospital dahil konektado ang mga doktor kay Yi-rang at ayaw niyang magdulot ng concern.

Habang bibili ng pagkain si Choi-hyun, nakasalubong niya si Hui-ju. 

Tinawag niya ang kanyang private doctor, na nagsabing kailangan ni Yi-an ng pahinga. Pagkatapos, sinabi ni Hui-ju na ilista siya bilang pasyente.

Sa palasyo, pinagalitan ni Yi-rang ang batang hari dahil umaasa ito kay Yi-an, at natatakot siyang maging mahina ito tulad ng kanyang ama.

Samantala, habang nagpapahinga si Yi-an, nag-uusap sina Hui-ju at Choi-hyun at nabanggit na iniiwasan ni Yi-an ang atensyon dahil maaari itong magdulot ng tsismis. 

Pero nagulo ang lahat nang biglang dumating si Yi-rang sa hotel, nahuli si Hui-ju roon, at inutusan si Yi-an na magpaliwanag sa palasyo.

Kinabukasan, sumabog ang iskandalo—iniisip ng media na secret girlfriend ni Yi-an si Hui-ju, at may tsismis pa na buntis siya matapos siyang makitang kasama ang doktor. 

Habang stress na stress ang lahat, kalmado lang si Hui-ju at tinitingnan pa ito bilang magandang publicity.

Nagseselos si Tae-joo, plano ni Yi-rang na gamitin ang iskandalo para sirain sina Hui-ju at Yi-an, at si Jeong-woo naman, ginagamit ito bilang distraction sa mga isyung politikal.

Sa halip na pumunta sa palasyo, dumiretso si Yi-an sa kanyang private residence at pinapunta roon si Hui-ju.

Pagdating ni Hui-ju, binigyan sila ng privacy ng staff habang nagtsitsismisan sa labas. 

Nag-sorry si Yi-an sa iskandalo at sinabi na siya ang sasalo ng galit ng publiko. 

Nang tanungin niya kung ano ang gusto niya, direkta niyang sinabi na gusto niyang pakasalan siya—para maungusan ang incompetent niyang kapatid at patunayan ang sarili niya.

Inamin din niya na alam niyang sinadya ni Yi-an na matalo sa archery noon sa school. 

Na-offend si Yi-an dahil parang ginagamit lang siya para sa titulo, pero sa huli pumayag pa rin siyang magpakasal—kasabay ng babala na haharapin niya ang buong bansa.









No comments:

Post a Comment