Wednesday, April 15, 2026

Veil of Shadows Episode 17 Tagalog

 Pagkatapos matalo ni Chi Wen si Yuan Wuhuo, bumalik kay Wu Shiguang ang isa pang bahagi ng Dragon Deity’s power. Doon niya nalaman ang katotohanan—siya pala ang “Tenth Dragon Son,” nilikha para tulungang i-seal si Jiu Ying, at plano pa ni Chi Wen na isakripisyo ang sarili niya para dito.

Sa totoong mundo, tinulungan ni Chi Wen na bigyan ng mapayapang wakas ang petrified na clan ni Wu Zhiqi. Si Lu Wuyi naman, muntik nang kunin ang ring ni Chi Wen para sa sarili niyang plano, pero nagdalawang-isip siya at ibinalik ito. Halatang pareho silang sinusubok ang isa’t isa, kaya naging komplikado ang feelings nila.

Ibinahagi rin ni Chi Wen na si Yuan Wuhuo ay dati niyang sobrang lapit—parang kapatid sa nakaraan—pero nagkahiwalay din sila dahil sa paglipas ng panahon.

Samantala, nagkita muli sina Wu Shiguang at Wu Wangyan, pero masakit ang katotohanan. Inamin ni Wangyan na ang sect nila ay kontrolado pala ni Jiu Ying, at hindi niya alam na siya mismo ay naging bahagi ng massacre ng clan ni Shiguang dahil minanipula ang kanilang mga alaala.

Kahit may feelings pa sila sa isa’t isa, naging hadlang ang katotohanang iyon.

Sa gabi ng full moon, nilabanan ni Wu Wangyan ang tawag ng kanyang sect at pumunta mag-isa sa isang liblib na kagubatan. Habang inaalala ang masasayang alaala nila ni Shiguang, napaiyak siya. Sinubukan niyang putulin ang kanyang spiritual tail para tuluyang makawala sa sect, pero dumating si Shiguang at pinigilan siya, nakiusap na harapin nila ang lahat nang magkasama. Sa huli, naglaho si Wangyan habang nasa mga bisig ni Shiguang.

Kasabay nito, nanatili si Lu Wuyi kay Chi Wen pero nakakaramdam siya ng lungkot at pag-aalala, lalo na kung babalik si Chi Wen sa Formless Moon Sect. Mas lalo rin siyang naniwala na si Chi Wen ay maaaring si Ji Ling.

Bago pa siya makakuha ng sagot, bigla siyang hinila pabalik ng kapangyarihan ng Formless Moon.

No comments:

Post a Comment