Saturday, June 3, 2017

Ang milagrong nabili ng P50 (True Story)

Ang milagrong nabili ng P50 (True Story)




Narinig ni Tess (8 na taon) ang pag-uusap ng kanyang ama at ina tungkol sa kanyang nakababatang kapatid na si Andrew. Alam niyang may malubha itong sakit at wala na silang pera para panggastos sa medikasyon nito. Sa katunayan ay mapipilitan na silang lumipat sa isang maliit na apartment dahil hindi na nila kaya ang bayarin sa bahay at sa mga gamot. Isang napakamahal na operasyon lamang ang makakapagligtas sa kanyang kapatid at wala na silang makuhaan ng pera para dito. Narinig niya ang sabi ng lumuluhang ina niya sa kanyang ama na isang milagro na lang ang makakapaligtas kay Andrew.

Pumasok si Tess sa kanyang kuwarto at kinuha ang isang garapon na nakatago sa kanyang cabinet. Ibinuhos niya ang lahat ng laman nito at masinsinang binilang ng tatlong beses pa. Hindi siya dapat magkamali. Pagkatapos ay maayos niyang ibinalik ang pera sa garapon at lumabas ng bahay. Ika-6 na bloke mula sa kanilang bahay ay may isang pharmacy at doon ang lugar na tinungo ni Tess. Hinintay niyang maigi na pansinin siya ng pharmacist ngunit abala ito. Pinagalaw niya ang paa para makalikha ng ingay pero wala pa rin.Lumunok siya na may kasamang tunog pero wala pa rin.

Sa wakas, kumuha na siya ng barya mula sa kanyang garapon at pinukpok ang salamin sa counter ng pharmacy.

Pharmacist: at ano ang kailangan mo?
kinakausap ko ang kapatid ko na matagal ko ng hindi nakikita

Tess: gusto rin kitang makausap tungkol sa kapatid ko
malubha siya, napakalubha niya at gusto kong bumili ng milagro

Pharmacist: pakiulit nga ang sinabi mo

Tess: ang pangalan niya ay Andrew at may masamang tumubo sa ulo niya at ang sabi ni Papa ay milagro na lang ang makakapagligtas sa kanya. So magkano ba ang halaga ng milagro?

Pharmacist: Hindi kami nagbebenta ng milagro dito bata. Sorry pero hindi kita matutulungan. Makinig ka, may pera ako para bayaran ang pagpapagamot niya. Kung kulang pa sabihin mo lang kung magkano ang gagastusin ninyo.

Lumapit ang kapatid ng pharmacist kay Tess.

Kapatid: ano bang klaseng milagro ang kailangan ng kapatid mo?

Tess: hindi ko alam
ang alam ko ay may sakit siya at kailangan niyang maoperahan
pero hindi kaya ni Papa ang gastos sa operasyon
kaya gagamitin ko sana itong pera ko

Kapatid: magkano ang dala mo

Tess: 50 pesos
ito lang talaga ang pera ko
pero pwede ko pa itong dagdagan

Kapatid: ang pagkakataon nga naman
50 pesos ang tamang halaga para sa milagrong kinakailangan ng iyong kapatid

Kinuha niya ang pera ni Tess.

Kapatid: dalahin mo ako kung saan ka nakatira
gusto kong makita ang kapatid mo at makausap ang mga magulang mo
tingnan natin kung kaya ko bang ibigay ang milagrong kinakailangan mo

Ang kapatid ng pharmacist ay isang surgeon mula sa Chicago, ito ay isa neurosurgery specialist. Naisagawa ang operasyon ng libre at di kalaunan ay naging maayos na ang lagay ni Andrew at nakauwi na ito sa bahay. Masayang-masaya ang Mama at Papa ni Tess sa mga pangyayari at pinag-usapan nila ang swerteng naganap.

Mama ni Tess: isang milagro ang nangyaring operasyon na ito
magkano kaya ang totoong halaga ng operasyon

Ngumiti lamang si Tess. Alam niya ang halaga ng milagro. 50 pesos at ang pananampalataya ng isang bata.

No comments:

Post a Comment