Tuesday, May 9, 2017

Ang pag-uusap ng mag-ama

Isang araw habang may ginagawa ang ama ay lumapit at kinausap ito ng batang anak.
Anak: Daddy pwede bang magtanong?
Ama: Sure, ano ba iyon?
Anak: Dad, magkano ba ang kinikita mo sa isang oras?
Nabigla ang ama at nalungkot.
Ama: Hindi ka dapat nakikialam sa mga usaping ganyan..Anong klaseng tanong yan...
Anak: Sige na po. Gusto ko po talaga malaman kung magkano ang kita niyo sa isang oras..
Ama: kumikita ako ng 300 pesos kada oras
Anak: oh
At napayuko ang bata. Bigla itong tumingin sa ama.
Anak: Dad, pwede ba akong manghiram ng 100 pesos?
Nagalit ang ama.
Ama: Yan ba ang dahilan lang ng pagtatanong mo, para makahinga ng pera para bumili ng laruan o mga walang kwentang bagay, pumasok ka na nga sa kwarto mo. Matulog ka na. Nagpapakahirap ako sa trabaho araw araw at hindi ko gusto ang ganyang pag-uugali.
Tahimik na sumunod ang bata at pumasok sa kwarto.

Umupo ang ama at galit pa rin. Iniisip nito na ang dahilan ng pagtatanong ng anak. Nakuha pa nitong tanungin ang sahod niya para lamang makahingi ng pera. Makalipas ang isang oras ay humupa na rin ang galit nito. Baka nga may gusto talagang bilhin ang anak at hindi naman ito palaging humihingi ng pera. Pinuntahan ng ama ang bata sa kanyang kwarto.
Ama: tulog ka na ba anak?
Anak: hindi daddy, gising pa ako.
Ama: Naisip kong baka masyado lang akong istrikto kanina. Masyado lang kasi akong stress at ikaw ang napagbuntunan ko. Eto na ang 100 pesos na hinihingi mo.
Agad na umupo ang bata at ngumiti.
Anak: thank you dad.
Agad na inabot ng bata ang ilalim ng kanyang unan at doon kinuha ang mga nakalukot na mga pera.

Nang makita ng ama na may pera na pala ang anak ay akmang magagalit na naman ulit ito.
Binilang ng bata ang pera at tumingin sa ama.
Ama: Bakit ka pa nanghihingi ng pera kung meron ka na pala
Anak: kasi kulang pa ang pera ko at ngayon ay sapat na. Meron na akong 300 pesos. Pwede ko bang bilhin ang isang oras mo dad? Umuwi ka ng maaga bukas. Gusto kong makasabay ka sa hapunan.

Hindi na nakapagsalita ang ama.

Hindi natin dapat palampasin ang araw na hindi natin naipapakita ang pagpapahalaga at oras sa mga taong mahalaga sa ating buhay. Kapag nawala tayo sa mundo, ang kumpanyang pingsisilbihan natin ay agad tayong mapapalitan. Pero ang pamilya at kaibigan na naiwan natin ay habang-buhay na dadalhin ang bigat ng ating pagkawala sa kanilang buhay.


No comments:

Post a Comment