Si Ana ay 9 yrs old na nagmula sa isang maliit na nayon. Nakatapos si Ana ng grade 4 sa kanilang nayon. Ngayon ay kailangan na niyang mag-aral ng grade 5 sa siyudad na malapit sa kanilang nayon. Masayang-masaya si Ana at natanggap siya sa isang kilalang eskwelahan sa siyudad. Ngayon ang unang araw ng eskwela at excited na si Ana. Sumakay siya ng bus papuntang paaralan.
Nang makarating sa paaralan ay isa-isa ng pumasok ang mga sakay nito sa kanilang silid-aralan. Nang makita nila ang simpleng suot ni Ana at malaman na nagmula ito sa probinsya ay agad nila itong kinutya. Dumating ang guro at hiniling ang mga bata na tumahimik. Ipinakilala ng guro si Ana sa kanyang mga kaklase.
Matapos nito ay sinabi ng teacher na sila ay magkakaroon ng agarang pagsusulit. Sinabihan niya ang mga mag-aaral na isulat ang 7 kamangha-mangha sa mundo. Ang lahat ay agad na nagmamadaling sumulat ng sagot. Maging si Ana ay nagsimula na rin sa pagsulat.
Ipinasa na ng lahat ang kanilang papel maliban kay Ana.
Guro: anong nangyari?
huwag kang mag-alala, isulat mo na kung ano ang alam mo kasi naituro ko na ito noong nakaraang araw sa mga kaklase mo
Ana: iniisip ko kasi na marami pa sa 7 ang pwede ko pang isulat
Matapos nito ay ibinigay na ni Ana ang kanyang papel sa guro. Sinimulan ng basahin ng guro ang sagot ng mga mag-aaral. Marami sa kanila ay isinagot ang The Great Wall of China, Colosseum, Stonehedge, Great Pyramid of Giza, Leaning Tower of Pisa, Tajmahal, Hanging Gardens of Babylon atbp. Masaya ang guro at naalala ng kanyang mga estudyante ang kanyang itinuro. Sa huli ay binasa ng guro ang papel ni Ana.
Ang 7 kamangha-mangha ay - ang kakayahang makakita, ang kakayahang makarinig, ang kakayahang makaramdam, tumawa, ang makapag-isip, ang maging mabuti at ang kakayahang magmahal.
Nasurpresa ang guro at natahimik ang buong klase. Ngayon ay ipinaalala sa kanila ng isang batang taga-nayon ang mga mahalagang regalo na pinagkaloob sa atin ng Diyos na talaga namang kamangha-mangha.
No comments:
Post a Comment