Monday, July 8, 2019

Turista mula sa Thailand Nabiktima ng mga Babaeng Kawatan sa London

Turista mula sa Thailand Nabiktima ng mga Babaeng Kawatan sa London






Di inaasahan ng 2 babae na maging sentro ngayon sa social media matapos silang mahagilap ng camera na dinudukutan ang mga Asyanong turista sa London.

Sina Nina Spencer, 51, at kaibigan nitong si Toi McGurran, 51 anyos, ay tumatawid sa kalsada malapit sa Cambridge Circus, patungo sa Palace Theatre at nagsasalita at kumukuha ng video gamit ang isang selfie stick. Napansin na lamang ni Toi ang kanyang Louis Vuitton handbag - kasama ang £400 sa loob at ang kanyang mga credit card - ay nawawala.

Ang pares ay tumingin pabalik sa video na kinuha nila sa kanilang selfie stick at napansin ang dalawang babaeng naglalakad malapit sa likod nila.

Ipinapakita ng footage na ang isang babaeng na nakadamit itim na may hawak ng isang pulang smart phone, ay sumusunod ng tingin sa kanyang handbag.

Sa ilang segundo lamang, ang isang babae ay tinakpan ang kamay ng kanyang kasama habang kinukuha nito ang pitaka sa bag.

Ang Ikatlong babae na naka-orange scarf at sunglasses ay lumitaw sa footage ang siyang tumanggap sa ninakaw na pitaka at sabay-sabay silang tatlo na umalis patungo sa ibang direksyon.

Agad na nireport ni Nina ang pangyayari sa mga pulis.

Ayon sa kanila imposible na daw na maibalik ang pera nila. Nais lang daw nilang malaman ng mga pulis kung anong nangyayari sa siyudad at makatulong.

Malungkot at sinira nila ang aming araw. Sana ay mahuli sila para hindi na maulit pa ang mga ganitong pangyayari.

No comments:

Post a Comment