Babae Pinatay Matapos Pagbintangang Nanghawa ng Coronavirus
Isang Italian medical ang patay sa pananakal diumano ng kanyang boyfriend matapos itong mapagbintangan ng panghahawa ng coronavirus.
Si Lorena Quaranta, taga-Sicily ay namatay sa Messina nitong linggo.
Sinabi ng kanyang boyfriend na si Antonio De Pace sa mga pulis na napatay niya ito sa pag-aakalang nahawaan siya nito ng coronavirus.
Parehong negative ang resulta ng kanilang coronavirus test.
Matapos tawagan ni De Pace ang mga pulis ay nagtangka rin iton mag-suicide.
Ang Italy ay isa sa mga bansang lubhang naapektuhan ng coronavirus sa talang 110,000 positive at 13,000 na pagkamatay dulot ng virus.
No comments:
Post a Comment