Ashes of Love Chinese Drama
Natapos ko na rin ang chinese drama na ito at very addicting lalo na sa mga earlier episodes. Pansin ko lang sa mga historical drama ng chinese eh sobrang haba at dami ng episodes marami kasi silang flashbacks. Nakakatawa pa minsan eto, gaya ng flashback nung kabataan ng former floral goddess, water immortal, wind immortal, heavenly emperor at empress, ang mga actors na ito ay pinagbibidahan ng mga nasa late forties o fifties na pero nung nagflashback sila nung kabataan nila ay same actors pa rin ang ginamit. Nakakatawa yung empress at yung kapatid ng emperor kasi nung nagflashback sila ay patweetums pa ang image ng empress pero same actress pa rin yung ginamit. Hindi talaga bagay tingnan kasi ang tatanda na nila ay nagpapatweetums pa, gumamit na lang sana sila ng mga bata-batang actors pang flashback.
Sa kalagitnaan ng drama ay medyo naging boring ito lalo na nung dumami ang problema nila parang kaumay na panoorin at lalo pa yung love story ni Luiying at Muci na hindi naman ako interesado kasi hindi sila bagay at hindi rin sila nakakakilig. Pansin ko pinakamaganda sa seryeng ito si Liuying kesa kina Jinmi at Suihe.
Mas maganda din si Suihe kesa kay Jinmi pero sobrang galing ni Yang Xi dito.
First time ko napanood si Yang Xi sa dramang ito kaya di ko madifferentiate yung ibang atake niya sa pag-arte depende sa role niya kaya di ko alam kung versatile ba siya pero sobrang galing niya dito at sobrang galing ng chemistry nila ni Xufeng (Deng Lun) sobrang bagay nila dito.
Mas gwapo rin si Runyu kesa kay Xufeng pero para sa akin ay wala siyang appeal unlike kay Xufeng na sobrang hot niya dito kaya naging crush at naging fan ako ni Deng Lun dahil sa dramang ito. Sobrang lakas ng sex appeal ni Xufeng dito para sa akin at ang galing niya rin sa acting.
Naiintindihan ko ang character ni Runyu dito at ang kung bakit siya naging masama. Nakakainis din si Xufeng kasi alam na niya na yung mama talaga niya ang kontrabida pero pilit niya pa rin pinagtatakpan well kasi mahal na mahal naman kasi siya ng mama niya. Kaya tama lang na namatay ang character ng mama niya dahil habang buhay ito ay hindi talaga deserved ni Xufeng si Jinmi kahit pa mahal na mahal niya ito dahil sa mga kasalanan ng mama niya. Lahat naman sila magaling dito at maganda ang drama sana nga lang walang masyadong flashbacks lalo na doon sa mga matatanda kasi nagiging boring ang show pag ganon. Happy naman ang ending ng show at okay na rin na mamuhay sila ng normal pero mas preferred ko yung glamorosong pamumuhay nila sa heavenly realm. Ang daming sawi sa pag-ibig dito ang empress na sawi sa emperor, ang emperor na sawi sa floral goddess, si Yanou na naging playboy dahil sa panloloko ni Suihe, si Lianqiao na nare-ject ni Yanyou, si Lianchao na pinagpalit ng empress sa emperor, si Luiying na namatayan ng asawa, si Runyu na na-reject ni Jinmi, si Kuanglu na may unrequited love kay Runyu at si Suihe na ikinabaliw at ikinamatay ang obsesyon kay Xufeng. Mami-miss ko ang tambalang Jinmi at Xufeng at dahil dito ay panonoorin ko na ang iba pa nilang drama at pelikula. Isa na ito sa mga unforgettable at favorite Asian dramas ko.
No comments:
Post a Comment