Babaeng Lumuwa sa Grocery Pinagbayad ng $35000 at Kinasuhan
Isang babae ang gumawa ng kalokohan sa pamamagitan ng sadyang pag-ubo sa isang grocery store sa Pennsylvania. Ang mga pagkain na kanyang inubuhan ay nagkakahalaga ng $35000 ay kinailangan ng itapon at dahil dito siya ay kinasuhan kabilang na dito ang terrorist threats.
Si Margaret Cirko, 35, ay pumasok sa grocery store at sinabing siya ay maysakit at umuubo sa mga meat section, grocery at bakery. Ipinagpatuloy ni Cirko ang kanyang pag-ubo sa ilang lanes ng grocery bago nagtangkang magnakaw ng 12pack beer habang siya ay pinapaalis ng mga empleyado.
Siya ay inaresto at sinisingil ng dalawang felony count ng mga banta ng terorismo, isang felony count ng mga banta ng paggamit ng isang "biological agent" at isang felony count ng kriminal na kamalian. Nahaharap din siya sa maling akda ng pagtatangka na gumawa ng pagnanakaw at disorderly conduct.
Ipinasuri rin kung siya ay may sira sa pag=iisip at nagsagawa rin ng coronovirus test sa kanya.
Itinapon na lang ang lahat ng grocery items at nag-disinfect ang tindahan.
Pinagbayad rin si Cirko ng $35000 bilang danyos sa mga natapon na produkto.
Si Cirko ay nasa Luzerne County Prison at may piyansang $50,000. Siya ay nakatakdang humarap sa korte ngayong April 8.
Ang pag-aaksaya ng pagkain ay hindi magandang gawain at hindi katanggap-tanggap lalo na sa panahong ito na marami sa atin ang nababahala sa segurida at supply ng pagkain.
No comments:
Post a Comment