Ilang Iranian Patay Dahil sa Alcohol Poisoning
Ilan na ang namatay sa Iran dahil sa methanol poisoning matapos ang mga haka-haka na ang pag-inom ng alak ay isa sa paraan upang gumaling sa coronavirus infection.
Ang Iran ang may pumangalawa sa China kung saan may pinakaraming kaso ng confirmed COVID-19.
Kaya dito ang mga Iran citizens na ang siyang gumagawa ng diskarte para malabanan ang virus sa pamamagitan ng pag-inom ng alak.
Bagama't illegal ang alak sa Iran ay legal ito sa ilang non-Muslim na lugar.
Matapos mabasa sa mga online news na nakakagamot ang pag-inom ng alak ay naisipan ng ilan na inumin ito na naging sanhi ng kanilang kamatayan.
Kapag mataas na methanol content ang pumasok sa katawan ng tao ito ay maaaring magdulot ng pagkabulag, liver damage at kamatayan.
Ayon sa isang survey mas marami na ang namamatay sa Iran dahil sa alcohol poisoning kesa sa coronavirus.
No comments:
Post a Comment