Saturday, January 28, 2017
Ang basang pantalon
May isang siyam na taong gulang na bata na nakaupo sa kanyang desk, sa hindi inaasahan ay biglang nakaihi ang bata at ito ay tumulo sa kanyang pantalon. Nabasa ang pantalon ng bata lalong lalo na sa harapan na mahahalatang siya ay nakaihi.
Pakiramdam ng bata ay tumigil ang pagtibok ng kanyang puso dahil sa sobrang kaba. Paano ba ito nangyari hindi naman siya dating ganito. Kapag nalaman ng mga kaklaseng lalaki ito ay hindi na siya titigilan ng mga ito.
Kapag ang mga kaklaseng babae naman ang nakaalam ay malamang hindi na siya kakausapin ng mga ito habang buhay. Sobrang kaba ang nararamdaman niya kaya napayuko ang bata at nagdasal.
"Dear God emergency po ito. Kailangan ko po ng tulong. Limang minuto mula ngayon ay patay ako sa mga kaklase ko.
Matapos magdasal at maghintay ng sagot sa kanyang panalangin ay nakita ng bata ang kanyang guro na nakatingin sa kanya na para bang alam ang nangyari sa kanya.
Nang papalapit na ang kanyang guro, ang kaklase niyang si Susie na may dalang bowl goldfish na nakalagay sa bowl na puno ng tubig ang lumapit sa kanya. Natapilok si Susie sa harapan ng guro at natapon ang dalang tubig nito sa pantalon ng bata.
Nagkunwari ang batang nakaihi na siya ay galit sa pagkakatapon sa kanya ng tubig. At gayunman sa isip ng bata ay ang pagpapasalamat sa Diyos sa pagbibigay sa kanya ng tulong.
Kaya sa halip na maging katatawanan ang bata ay naging kaawa-awa ito sa paningin ng mga kaklase. Tinulungan ito ng guro at binigyan ng shorts pampalit sa nabasang pantalon nito.
Ang ibang bata naman ay nilinis at pinunasan ang desk ng batang nakaihi. Mabuti na sana ang nangyari ngunit sinisisi ng iba si Susie sa pagiging lampa nito.
Nang matapos ang klase, habang naghihintay sila sa bus ay nilapitang ng batang lalaki si Susie.
Sinadya mo ang pagkakatapon ng tubig no, tanong ng batang nakaihi.
Ganyan din ako dati, nakaihi rin ako, sagot ni Susie.
Lahat tayo ay dumaan sa mabuti at masamang pangyayari sa ating buhay. Dapat nating alalahanin ang ating naramdaman nung tayo ay nakaranas ng di-magandang karanasan at huwag pintasan ang mga taong pinagdaanan din ito. Lagi mong iintindihin ang hirap ng kanilang sitwasyon at ilagay ang sarili natin sa kanilang lugar at ipagdasal natin na tayo ay nasa maayos na kalagayan para tumulong sa mga taong nangangailangan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment