Noong unang panahon isang anak na babae ang nagreklamo sa kanyang ama dahil miserable ang kanyang buhay at hindi niya alam kung papaano niya ito malalagpasan. Pagod na siyang maghirap at lumaban sa buhay. Tila pag may problema siyang nalulutas ay agad na naman itong papalitan ng bagong problema.
Dinala siya ng kanyang ama na isang chef sa kusina. Pinuno niya ang tatlong kaldero ng tubig at isinalang sa apoy. Nilagyan niya ang isang kaldero ng patatas, ang isa ay itlog at isang kaldero naman at coffee beans ang inilagay niya.
Tahimik lang ang ama habang pinakukuluan ang tatlong kaldero. Dumaing ang anak na babae na inip na inip sa paghinhintay sa kung ano ang ginagawa ng ama.
Makalipas ang 20 minuto ay pinatay na ang apoy sa kaldero. Kinuha niya ang patatas at itlog at inilagay sa plato. Inilagay din ng ama ang kape sa tasa.
Ama: Ano ngayon ang nakikita mo?
Anak: patatas, itlog at kape
Ama: tingnan mong mabuti, hawakan mo ang patatas
Hinawakan nga ng babae ito at napansin niya na ito ay lumambot. Pinakuha rin sa kanya ng ama ang itlog para ito ay basagin. Matapos balatan ang itlog ay nakita niya ang hard boiled na itlog. Pagkatapos ay ipinainom ng ama ang kape sa anak. Napangiti ang babae sa bango ng aroma ng kape.
Anak: ano ba ang ibig sabihin nito
Ipinaliwanag ng ama na ang patatas, itlog at coffee beans ay parehong isinalang sa kumukulong tubig. Pero ang bawat isa sa kanila ay may ibat-ibang reaksyon.
Ang patatas na matigas kapag isinalang sa kkumukulong tubig ay nagiging malambot.
Ang itlog na manipis at parang liquid pag isinalang sa kumukulog tubig ay nagiging matigas.
Gayunman, ang coffee beans ay kakaiba. Matapos itong isalang sa kumukulong tubig ay nag-iba ang tubig at nakagawa ng bagong produkto mula dito.
Ama: Saan ka ba dito? Kapag kinatok ka ba ng kahirapan at pagsubok paano mo ba ito hinaharap? Isa ka bang patatas, itlog o coffee beans?
Sa buhay, may mga bagay na mangyayari sa ating paligid, may mga bagay na mangyayari sa atin, ngunit ang tanging bagay na tunay na mahalaga ay kung ano ang mangyayari sa ating kalooban.
Alin ka diyan?
No comments:
Post a Comment