Pag-alis ng bahay isang umaga, nakakita si Dean ng ilang kaibigan na naghihintay na may dalang mga lobo. Lumapit ang kanyang kaibigang si Josh. "Isinumite namin ang iyong mga tula sa isang kompetisyon," sabi niya bago ibinigay kay Dean ang isang sobre. Sa loob ay isang kard na naglalaman ng "Unang Gantimpala," at mabilis na nagsimulang umiyak ang lahat sa tuwa. Ang mga kaibigan ni Dean ay gumawa ng isang magandang bagay, na nagpapatunay sa kanyang talento sa pagsusulat.
Ang pag-iyak sa tuwa ay isang paradoksal na karanasan. Ang mga luha ay karaniwang tugon sa sakit, hindi sa kasiyahan; at karaniwang ipinahahayag ang kasiyahan sa pamamagitan ng tawa, hindi ng luha. Napansin ng mga sikologong Italyano na ang mga luha ng kagalakan ay dumarating sa mga oras ng malalim na personal na kahulugan—tulad ng kapag nadarama natin ang labis na pagmamahal o pagkamit ng isang pangunahing layunin. Ito ang nagtulak sa kanila na kumumpirma na ang mga luha ng kasiyahan ay mga tanda sa kahulugan ng ating mga buhay.
Naiisip ko ang mga luha ng kagalakan na bumubuhos saanman pumunta si Jesus. Paano hindi iiyak sa tuwa ang mga magulang ng lalaking ipinanganak na bulag nang pagalingin siya ni Hesus (Juan 9:1-9), o si Maria at si Marta pagkatapos Niya ibalik ang kanilang kapatid mula sa kamatayan (11:38-44)? Kapag ang mga tao ng Diyos ay dinala sa isang naibalik na mundo, “Ang mga luha ng kagalakan ay babagsak sa kanilang mga mukha,” sabi ng Diyos, “at aking aakayin sila pauwi nang may malaking pag-iingat” (Jeremias 31:9 nlt).
Kung ang mga luha ng kasiyahan ay nagpapakita sa atin ng kahulugan ng ating mga buhay, isipin ang magandang araw na darating. Habang ang mga luha ay bumabagsak sa ating mga mukha, malalaman natin nang walang pag-aalinlangan na ang kahulugan ng buhay ay palaging mamuhay nang malapit sa Kanya.
No comments:
Post a Comment