Noong pinalipad ng mga kaibigan kong sina Al at Kathy Schiffer ang kanilang iconic, World War II–era na eroplano sa mga airshow, ang mga reaksyon ng matatandang beterano ng digmaan ang pinakamahalaga sa kanila.
Pumupunta sila para makapagkwento tungkol sa mga digmaang kanilang sinalihan at sa mga eroplano nilang pinalipad. Karamihan sa kanilang mga kwento ng labanan ay isinasalaysay nang may mga luha sa kanilang mga mata. Marami ang nagsabi na ang pinakamagandang balitang natanggap nila habang naglilingkod sa kanilang bansa ay ang mga salitang, “The war is over, boys. Oras na para umuwi."
Ang mga salitang ito mula sa isang mas naunang henerasyon ay nauugnay sa pakikidigma ng mga mananampalataya kay Jesus—ang ating mabuting pakikipaglaban ng pananampalataya laban sa diyablo, ang kaaway ng ating mga kaluluwa. Binalaan tayo ni apostol Pedro: “Ang inyong kaaway na diyablo ay gumagala-gala tulad ng isang leong umuungal na naghahanap ng masisila.” Tinutukso niya tayo sa iba't ibang paraan at ginagamit ang panghihina ng loob sa pagdurusa at pag-uusig upang subukang ilayo tayo sa ating pananampalataya kay Hesus. Hinamon ni Pedro ang kanyang mga unang mambabasa at tayo ngayon na “maging alerto at matino ang pag-iisip” (1 Pedro 5:8). Tayo ay umaasa sa Banal na Espiritu upang hindi natin hayaan ang kaaway na maging sanhi ng ating pagsuko sa laban at ibagsak tayo.
Alam natin na isang araw ay babalik si Hesus. Pagdating Niya, ang Kanyang mga salita ay magkakaroon ng epekto na katulad ng nadama ng mga sundalo noong panahon ng digmaan, na magpapaluha sa ating mga mata at kagalakan sa ating mga puso: “Tapos na ang digmaan, mga anak. Oras na para umuwi."
No comments:
Post a Comment