Paano Mo Matatanggal ang Masasamang Salita?
Isang high school ang nagpasyang magpatupad ng pangakong "walang masasamang salita." Ang mga estudyante ay nanumpa, na sinasabing: ""Taimtim kong ipinangako na hindi gagamit ng anumang uri ng kalapastanganan sa loob ng mga pader at mga ari-arian ng [ating paaralan]." Ito ay isang marangal na pagsusumikap, ngunit, ayon kay Jesus, walang panlabas na tuntunin o pangako ang maaaring takpan ang amoy ng masasamang pananalita.
Ang pag-alis ng baho ng mga salitang lumalabas sa ating mga bibig ay nagsisimula sa pagpapanibago ng ating mga puso. Kung paanong nakikilala ng mga tao ang uri ng puno sa bunga nito (Lucas 6:43-44), sinabi ni Jesus na ang ating pananalita ay isang nakakumbinsi na tagapagpahiwatig kung ang ating mga puso ay naaayon sa Kanya at sa Kanyang mga daan o hindi. Ang prutas ay kumakatawan sa pananalita ng isang tao, "sapagka't sinasalita ng bibig kung ano ang laman ng puso" (v. 45). Itinuturo ni Kristo na kung talagang gusto nating baguhin ang lumalabas sa ating mga bibig, kailangan muna nating tumuon sa pagbabago ng ating mga puso habang tinutulungan Niya tayo.
Ang mga panlabas na pangako ay walang silbi upang mapigilan ang masasamang salitang lumalabas mula sa isang di-nabagong puso. Matatanggal lamang natin ang masasamang pananalita sa pamamagitan ng unang paniniwala kay Jesus (1 Corinto 12:3) at pagkatapos ay pag-anyaya sa Banal na Espiritu na punuin tayo (Efeso 5:18). Siya ang kumikilos sa loob natin upang magbigay-inspirasyon at tumulong sa atin na patuloy na magpasalamat sa Diyos (v. 20) at magsalita ng mga nakaka-encourage at nakaka-edify na salita sa iba (4:15, 29; Colosas 4:6).
No comments:
Post a Comment