Sunday, April 19, 2026

Veil of Shadows Episode 26 Tagalog

 Habang papalapit na sa katapusan ng buhay ni Bai Ze, tinawag niya si Ji Ling sa pangalan nito sa unang pagkakataon. Dati kasi, lagi niya itong tinatawag na “Dragon Deity,” pero sa huling sandali, kinausap niya ito bilang pamilya. Sinabi niyang proud siya kay Ji Ling pero nalulungkot dahil hindi na niya ito makakasama sa natitirang laban. Bago siya tuluyang mawala, pinagsama nila ng Ji Can ang natitirang kapangyarihan nila at ginawa itong huling piraso ng Dragon Deity’s power na napunta sa Yuling Ring.

Malapit doon, nagising si Lu Wuyi—pero bulag na siya. Isinakripisyo niya ang spiritual tail niya para iligtas si Ji Ling, at dahil konektado iyon sa paningin niya, nawala ang kanyang eyesight. Kahit ganon, niyakap siya ni Ji Ling at siya pa ang nag-comfort dito, sinasabing huwag itong malungkot.

Sa Dragon Abyss, dumating sina Si Feng at Hua Qi dala ang Yuling Ring para kay Wu Shiguang para tuluyan na siyang maging tunay na dragon. Pero biglang umatake si Jiu Ying at malubhang nasugatan si Wu Wangyan. Nang makita ni Shiguang na bumagsak si Wangyan, nawalan siya ng focus at nakontrol siya sandali ni Jiu Ying. Mabuti na lang, agad siyang pinrotektahan ni Hua Qi para hindi mapasok ang isip niya.

Dito nalaman na ang ring ay hindi lang kapangyarihan—nandun din ang memories ni Ji Ling na may mahalagang sikreto laban kay Jiu Ying. Habang lumalala ang laban, isinakripisyo ni Si Feng ang sarili niya para pigilan si Jiu Ying. Sa loob ng memories ni Ji Ling, nalaman ni Shiguang ang katotohanan: matagal nang plano ang lahat. Nagpanggap lang si Ji Ling na kakampi ni Jiu Ying para tuluyang mapabagsak ito. Si Chi Wen pa mismo ang gumawa kay Shiguang bilang susi para matapos ang laban.

Halos matalo si Shiguang sa loob ng isip niya, pero narinig niya ang boses ni Wangyan at nalaman niyang buhay pa ito. Dahil doon, bumalik ang lakas ng loob niya at tuluyan siyang nag-transform bilang dragon. Ngayon, kaya na niyang tapusin ang laban.

Nagkita muli sina Shiguang at Wangyan, at labis ang ginhawa niya na buhay ito. Lumitaw sandali ang espiritu ni Chi Wen, proud sa kanya, at hinikayat siyang tapusin na ang lahat—even kung kailangan sirain ang dragon body para matapos na ang cycle ng galit.

Samantala, labis ang lungkot ni Hua Qi sa pagkawala ni Si Feng, pero inalo siya ni Wangyan at hinikayat na magpatuloy sa buhay. Sa ibang lugar, may mga palatandaan na may bagong dragon nang sumisibol—senyales na nagbabago na ang mundo.

Sa huli, nanatili si Ji Ling sa tabi ni Lu Wuyi. Sa tahimik at emosyonal na sandali, pinili nilang maging mag-asawa. Kahit hindi na makakita si Lu Wuyi, sinabi niyang sapat na ang mundo niya basta kasama niya si Ji Ling.

Veil of Shadows Episode 24 Tagalog

Sa wakas, ipinakita ni Yuan Wuhuo ang tunay niyang lakas habang ginagamit ang katawan ni Li Jie. Dahil malakas na talaga ang katawan na iyon, lalo pa itong naging powerful nang magsanib sila. Inasar niya si Lu Wuyi, sinabing malapit nang bumigay ang katawan nito dahil sa paulit-ulit na pag-rewind ng oras, at na kadalasan, ang sariling pride ng isang diyos ang dahilan ng pagkasira nito.

Desidido si Lu Wuyi na manalo sa huling pagkakataon, kaya hinayaan niyang tamaan siya para ma-activate ang Dragon Deity’s power. Nagtagumpay siya—umulan na rin sa wakas at natapos ang tagtuyot sa Luo’an, at nagising si Mu Long. Pero pagkatapos nito, bigla siyang nawala habang hawak siya ng isang wasak na si Ji Ling.

Bago tuluyang matapos ang lahat, bumawi si You Chi kay Mu Long sa nasira niyang manuscript—binigyan niya ito ng espesyal na brush na gawa sa sarili niyang balahibo at nangakong babalik siya. Masayang sinabi ni Mu Long na isusulat niya ang kwento ni You Chi bago sila muling magkita.

Samantala, nagising si Lu Wuyi sa Scale Cave, naguguluhan kung bakit hindi siya nawala. Ipinaliwanag ni Bai Ze na may nagprotekta sa kanya. Pero si Ji Ling, na akala ay nawala na siya, tuluyan nang nilamon ng Lonescale (Ji Can).

Habang nagre-reflect, na-realize ni Lu Wuyi na ang gusto lang pala niya ay simpleng buhay—isang normal na buhay kasama si Ji Ling. Sa kabilang banda, plano ni Wu Shiguang na pumunta sa Dragon Abyss para iligtas si Ji Ling, kahit pakiramdam niya hindi siya sapat. Inalo siya ni Wu Wangyan, at nagkaroon sila ng emotional na moment kung saan nangako silang poprotektahan ang isa’t isa.

Pagkatapos, nagpakita si Lonescale at inalok si Lu Wuyi na makita ang nakaraan ni Ji Ling—pero bilang tagamasid lang, hindi niya mababago ang kahit ano. Pumayag siya.

Napunta siya 150 years sa nakaraan, kung saan nakakabit ang spirit niya sa isang fox plush doll. Doon niya nakita ang masakit na nakaraan ni Ji Ling: isang batang si Yuan Wuhuo ang nagmamakaawa sa kanya (bilang bulag na fox noon) na iligtas ang kapatid nitong si Yuan Xizai, pero hindi niya ito nagawa. Dahil sa lungkot at galit, ikinulong siya ni Wuhuo.

Kalaunan, dahil sa kakaibang pangyayari, naging kamukha ni Ji Ling ang namatay na kapatid ni Wuhuo, kaya hindi siya napatay nito. Unti-unti, nabuo ang malalim nilang samahan, parang tunay na magkapatid. At sa huli, pinili ni Ji Ling na isakripisyo ang sarili niya—nilunok niya ang dragon scale para akuin ang kapalaran ng “kapatid” niya at bayaran ang utang na nararamdaman niya.

Veil of Shadows Episode 23 Tagalog

 Dumating si Bai Ze at nakita niya ang isang lalaking puti ang buhok na kamukha ni Ji Ling na biglang sumanib pabalik sa katawan nito. Ipinaliwanag niya na ito ay isang “Ji Can,” isang demonyo na nabuo mula sa dragon scale na hindi sinasadyang nalunok ni Ji Ling noon. Lumakas ito dahil sa matinding kalungkutan ni Ji Ling habang namumuhay siya bilang isang makapangyarihan pero nag-iisang Dragon God.

Naalala ni Ji Ling na yung kakaibang amoy na napapansin ng iba sa kanya ay galing sa dragon scale—isang malungkot at “empty” na pakiramdam na tanging mga taong tunay na nakakaintindi sa kanya ang nakakaamoy. Ngayon, mas lumalala ang takot niya: baka mabigo siya sa misyon, o mas masakit—magtagumpay nga pero mawala naman si Lu Wuyi. Binalaan siya ni Bai Ze na kung hindi siya pipili agad, tuluyan siyang kakainin ng Ji Can.

Pagdating ni Li Jie, sinabi nitong ninakaw ni Lu Wuyi ang Yu Ling Ring at ang kapangyarihan ng Dragon God, at nawawala na ito. Nang pumunta sila sa lungsod, nakita nilang wasak na wasak ang Luo’an. Sa simula, tinuring si Ji Ling na tagapagligtas, pero nang hindi niya agad maayos ang sitwasyon, nagalit ang mga tao at tinawag siyang pekeng diyos.

Samantala, narealize nina Wu Wangyan at Wu Shiguang na ang mga “panaginip” nila ay mga alaala mula sa paulit-ulit na timeline. Doon nila nalaman ang totoo—sa bawat cycle, hindi si Wangyan ang gustong iligtas ni Lu Wuyi, kundi si Ji Ling.

Nang magtagpo ulit ang grupo, ipinaliwanag ni Bai Ze na naloko ng “dragon aura” ng Ji Can ang Yu Ling Ring kaya kinilala nito si Lu Wuyi bilang master. Kinompronta ni Ji Ling si Wuyi, at lumabas ang buong katotohanan: sa original timeline, isinakripisyo ni Ji Ling ang sarili niya para tapusin ang tagtuyot. Dahil dito, nagkaroon si Lu Wuyi ng kapangyarihang i-rewind ang oras, at paulit-ulit niyang sinubukang iligtas siya.

Pero kahit ilang beses niyang baguhin ang pangyayari, laging namamatay si Ji Ling. Kaya ngayon, nagdesisyon siya na gamitin ang Dragon God’s power para pilitin na baguhin ang kapalaran—kahit labagin pa ang natural na batas ng mundo.

Habang sinusubukan siyang pigilan ng iba, madali niyang natalo ang lahat gamit ang mas pinalakas niyang magic mula sa maraming time loops. At sa gitna ng kaguluhan, biglang ibinunyag ni Li Jie ang tunay niyang pagkatao—siya pala talaga si Yuan Wuhuo.

Veil of Shadows Episode 22 Tagalog

 Pagsikat ng araw, nakalabas sina Wu Wangyan at Wu Shiguang mula sa painting, pero si Mu Long ay naka-cursed pa rin. Biglang may umatake na naka-mask at tinangkang kunin ang goat horn pendant kay Han Ba. Matapos ang saglit na laban, nahuli nila ito—at nagulat sila nang malaman na si Ji Ling pala iyon. Pagkatapos, dumating si Lu Wuyi na sugatan at nagsinungaling, sinabing si Ji Ling ang may gawa ng sumpa kay Mu Long at nakikipagsabwatan kay Jiu Ying. Nakakagulat, hindi nagdepensa si Ji Ling at hinayaan na lang siyang mapagbintangan.

Dahil dito, naniwala ang lahat na traydor si Ji Ling at ginagawa niya iyon para makuha ang kapangyarihan ng Dragon Deity. Habang tumitindi ang tensyon, nalaman nilang walang laman ang pendant—niloko pala sila ni Wuyi. Samantala, nalaman din ni Han Ba na bago mamatay si Su Jian, naalala nito ang lahat at hanggang huli ay mahal pa rin siya. Dahil sa sobrang lungkot at pagsisisi, nawalan ng kontrol si Han Ba sa kapangyarihan niya at bago tuluyang mawala, ibinunyag niya kung saan nakatago ang Dragon Deity’s power—sa lugar kung saan sila unang nagkita ni Su Jian, at si Mu Long lang ang makakapag-unlock nito.

Habang nagkakagulo, nananatiling naniniwala si Wangyan kay Wuyi, iniisip na hindi ito masama kundi nadadala lang ng emosyon. Samantala, kinompronta ni Ji Ling si Wuyi, at inamin nitong paulit-ulit niyang nararanasan ang time loop kung saan lagi niyang nakikita ang pagkamatay ni Wangyan. Dahil dito, pinili niyang ipagtanggol ang “kapatid” niya kahit kapalit pa ang lahat—kahit hindi niya alisin ang sumpa kay Mu Long.

Nagplano si Ji Ling na pilitin si Wuyi, pero lalo lang nagulo ang sitwasyon. Nag-hostage si Li Jie, nagkaroon ng kaguluhan, at nagawa ni Wuyi na makuha ang Spirit-Binding Ring. Mas nakakagulat pa, kinilala siya ng ring bilang bagong master nito.

Tumakas si Wuyi kasama si Mu Long papunta sa lumang weaving workshop. Doon, ginising niya si Mu Long at nakuha ang Dragon Deity’s power. Dahil sa sobrang lakas, napaluhod niya ang lahat habang lalo pang lumalala ang tagtuyot sa Luo’an.

Samantala, tuluyang nawasak si Ji Ling sa bigat ng konsensya at mga paratang laban sa kanya. Halos malunod siya sa sarili niyang isip, pero sa huling sandali, dumating si Bai Ze at iniligtas siya mula sa tuluyang pagkawasak.

Veil of Shadows Episode 21 Tagalog

 Sa loob ng enchanted painting, nakilala nina Wu Wangyan at Wu Shiguang si Su Jian—isang masayahin at outspoken na babae na kamukhang-kamukha ni Mu Long. Kahit nakatakda siyang pakasalan ang childhood friend niyang si Cui Jun, wala siyang balak gawin iyon dahil para sa kanya, parang kapatid lang ito. Ang gusto niya ay isang “perfect love”—yung dramatic at parang kwento sa fairy tale. Natupad ito nang makilala niya si Han Ba, na araw-araw niyang hinahabol, kahit hindi ito nagsasalita. Hindi niya alam na demon si Han Ba at delikado kapag nagsalita ito.

Habang pinapanood nila ang mga alaala, narealize ni Wangyan na ito pala ang sarili niyang nakaraan. Ginamit niya si Su Jian para sa misyon—pinatulog niya ito sa parang patay na estado at niloko si Han Ba na kailangan nitong magsalita para magising si Su Jian. Dahil mahal niya si Su Jian, napilitan si Han Ba na magsalita at magtapat ng damdamin—pero nagdulot ito ng matinding tagtuyot. Nang magising si Su Jian, patay na ang kanyang ina dahil sa kaguluhan.

Sa huli, tinanggap ni Han Ba ang parusa pero nakiusap na burahin ang alaala ni Su Jian para hindi ito masaktan. Sinelyuhan ni Wangyan ang kanilang kwento sa isang pendant. Kahit nawalan ng alaala, may lungkot pa ring nararamdaman si Su Jian. Kalaunan, iniligtas siya ni Han Ba gamit ang demonic power. Nagpakasal siya kay Cui Jun, pero nagkita pa rin sila ni Han Ba paglipas ng maraming taon.

Dito narealize ni Shiguang na ang masasayang alaala ni Wangyan kasama si Lu Wuyi ay hindi pala totoo—ninakaw lang ito mula sa memories niya kay Su Jian. Ibig sabihin, may nag-manipulate ng memories nila, at si Lu Wuyi ang posibleng may gawa.

Sa labas ng painting, kinompronta ni Ji Ling si Lu Wuyi, at doon niya inamin ang katotohanan—hindi siya totoong fox demon. Isa siyang nilikhang “monster” ni Jiu Ying gamit ang mga bahagi ng ibang fox demons at pati puso ni Wu Wangyan. Kaya pala may malalim na koneksyon si Wangyan sa kanya.

Inamin din ni Lu Wuyi na kaya niyang i-rewind ang oras, pero kapalit nito ay unti-unting pagkasira ng katawan niya. Paulit-ulit niyang binabalikan ang parehong pangyayari para hindi malaman ni Wangyan ang totoo. Ginagawa niya ito dahil takot siyang mawala ang “kapatid” niya.

Sa huli, humingi siya ng tulong kay Ji Ling. Naantig si Ji Ling sa sitwasyon niya at nangakong tutulungan siya para ayusin ang lahat at harapin ang hinaharap nang magkasama.

Veil of Shadows Episode 20 Tagalog

 Naghiwa-hiwalay sina Wu Shiguang, Wu Wangyan, at ang grupo para hanapin ang huling piraso ng kapangyarihan ng Dragon Deity sa Luo’an. Pero sobrang lala ng sitwasyon sa lungsod—tuyot na tuyot at punong-puno ng demonic aura dahil kay Han Ba, kaya parang patay ang buong lugar. Mas lalo pang naging mahirap hanapin si Han Ba dahil ikinalat niya ang kapangyarihan niya sa buong siyudad.

Habang naghahanap sila, napag-usapan din ang mga sikreto—lalo na yung tungkol kay Ji Ling na siya pala ang tunay na Dragon Deity. May konting biruan din, habang yung ibang grupo naman may kanya-kanyang eksena—si You Chi reklamo nang reklamo, at sina Ji Ling at Lu Wuyi naman may mga cute at medyo awkward na moments.

Sa huli, nahanap nila si Han Ba na nagpapanggap na innkeeper sa Chatter Inn. Inamin niya na ginagamit niya ang kapangyarihan ng Dragon Deity para pigilan ang sobrang init sa loob niya, at kung ibibigay niya agad ito, posibleng magdulot ng malaking sakuna. Pero pumayag siyang makipagtulungan matapos ang isang araw, lalo na para tulungan si Mu Long, isang babaeng may koneksyon sa kanila at nangongolekta ng mga kwento.

Pagdating ng gabi, nag-stay sila sa inn at may mga light at funny na moments. Pero biglang naging seryoso ang lahat nang may umatake kay Mu Long—isang misteryosong tao na gumamit ng magic para mawala ang boses niya, tapos nakatakas pa. Dahil dito, nagsimulang magduda ang grupo sa isa’t isa.

Mas naging komplikado pa nang magkaroon si Wu Wangyan ng nakakagulat na bangungot na parang may koneksyon sa past nila. Kalaunan, may nakita silang painting na parang may kinalaman sa nawawala niyang alaala—at may taong kamukha niya doon.

Nang gamitin ni Wu Shiguang ang Dragon Deity’s power sa painting, bigla silang nahigop papasok nito ni Wangyan. Doon nagsimula ang mas malalim na misteryo tungkol sa nakaraan nila at sa tunay na nangyari.

Perfect Crown Episode 4 Tagalog

 Nagsimula ang Episode 4 sa paghalik ni Yi-an kay Hui-ju—pero plot twist, para lang pala ito sa paparazzi. Nagulat si Hui-ju sa una, pero mabilis siyang sumabay nang malaman niyang may nanonood sa kanila. Kinabukasan, pinag-uusapan ito ng buong palasyo.

Sa palace meeting, gusto ni Yi-an na i-public ang relasyon nila kahit maraming tutol dahil commoner at “illegitimate” si Hui-ju. Hindi siya nagpatalo, at sinuportahan pa siya ni Jeong-woo. Si Hui-ju naman, nakikita ang mga negative comments sa TV pero chill lang siya.

Nag-suggest si Hui-ju na maging bold at “shameless” sila para makuha ang approval ng publiko, kaya nag-date sila sa isang baseball game. Doon, nagkaroon ng selosan (lalo na kay Yi-an kay Jeong-woo), at maraming awkward at funny moments—lalo na sa kiss cam na muntik na naman silang mapahalik.

Mas nakilala rin natin si Yi-an—sobrang higpit ng buhay niya bilang royal, hanggang sa pagkain at simpleng bagay, bawal. Doon mas na-realize ni Hui-ju kung gaano siya ka-restricted buong buhay niya.

Sa bahay naman, nagsimula ang training ni Hui-ju bilang future royal kasama si Court Lady Jin-sook. Pero instead na siya ang mahirapan, parang siya pa ang nag-take over, at nauwi pa sa bonding nila—sobrang funny ng eksena. Nagulat si Yi-an pagdating niya.

Habang nangyayari lahat ito, may mga plano pa rin si Yi-rang, at mukhang conflicted si Jeong-woo pero patuloy pa rin niyang sinusuportahan si Yi-an.

Biglang naging intense ang lahat nang isakay ni Hui-ju ang batang hari sa sports car niya. Biglang pumalya ang preno at nawalan siya ng kontrol. Just in time, dumating si Yi-an at sinalo ang bangga gamit ang sarili niyang sasakyan para iligtas sila. Nasugatan siya, pero pinakita niya kung gaano kalalim ang concern niya kay Hui-ju.

Sa dulo, may flashback sa kiss cam moment—inaasar ni Yi-an si Hui-ju na halikan siya, at kitang-kita na may totoong feelings na sa likod ng “fake” nilang relasyon.