Habang naglalakad ako sa umaga, napansin ko na may isang sasakyan na nakatigil sa daan, at ito ay nakaharap sa maling direksyon. Hindi alam ng driver ang panganib na dulot niya sa kanyang sarili at sa iba dahil natutulog siya at tila nasa impluwensya ng alak. Delikado ang sitwasyon, kaya kinailangan kong kumilos. Matapos ko siyang gisingin nang sapat, inilipat ko siya sa upuan ng pasahero upang ako ang makapagmaneho at nadala ko siya sa ligtas na lugar.
Ang pisikal na panganib ay hindi lamang ang maaaring harapin natin. Nang makita ni Pablo ang mga taong matalino at tuso sa Athens na nasa espirituwal na panganib dahil “punong-puno ang lungsod ng mga diyus-diyosan,” siya ay “labis na nabahala” (Gawa 17:16). Ang natural na tugon ng apostol sa mga taong naglalaro ng mga ideya na hindi isinasaalang-alang si Cristo ay ang pagbabahagi tungkol sa mga layunin ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus (vv. 18, 30-31). At ang ilan sa mga nakarinig ay naniwala (v. 34).
Ang paghahanap ng tunay na kahulugan ng buhay na hiwalay kay Cristo ay mapanganib. Ang mga nakatanggap ng kapatawaran at tunay na kaganapan kay Jesus ay nailigtas mula sa mga walang saysay na pagsubok at pinagkalooban ng mensahe ng pagkakasundo (tingnan ang 2 Corinto 5:18-21). Ang pagbabahagi ng mabuting balita ni Jesus sa mga nasa ilalim ng nakalalasing na impluwensya ng buhay na ito ay ang paraan na patuloy na ginagamit ng Diyos upang iligtas ang mga tao mula sa panganib.
No comments:
Post a Comment