Monday, October 28, 2024

Born Again

“Born again? Ano ang ibig sabihin nito?” tanong ng funeral director. "Hindi ko pa narinig ang katagang iyon dati." Dahil sa pagkakataong iyon, ipinaliwanag ng anak ng namatay na ama kung ano ang ibig sabihin nito sa pamamagitan ng mga salita sa Juan kabanata 3.
"Nagmumula ito sa katotohanan na lahat tayo ay isinilang nang isang beses sa mundong ito," sabi niya. “Walang magic scale ang Diyos kung saan tinitimbang Niya ang ating mabubuting gawa laban sa masama. Hinihiling ng Diyos na ipanganak tayo ng Espiritu,” patuloy niya. “Iyan ang dahilan kung bakit namatay si Jesus sa krus— binayaran Niya ang ating mga kasalanan at ginawang posible para sa atin na magkaroon ng buhay na walang hanggan kasama Niya. Hindi natin ito magagawa sa ating sarili."
Sa Juan kabanata 3, nagsimulang magduda si Nicodemus kung talagang naintindihan na niya ang lahat. Bilang isang guro ng mga Kasulatan (v. 1), napansin niyang iba si Jesus at ang Kanyang mga turo ay may kapangyarihan (v. 2). Nais niyang malaman ito para sa kanyang sarili, kaya nilapitan niya si Cristo isang gabi upang mapag-usapan ito. Tila tinanggap ni Nicodemus ang sinabi ni Jesus na “Kailangan mong ipanganak muli” (v. 7) at naniwala siya, dahil tumulong siya sa paghahanda ng katawan ng Tagapagligtas para sa libing pagkatapos Siyang maipako sa krus (19:39).
Pumayag ang direktor ng punerarya na uuwi siya at babasahin ang ikatlong kabanata ng ebanghelyo ni Juan. Tulad ng anak na kumausap sa direktor, dalhin natin sa ating puso ang mga salita ni Jesus at ibahagi ito sa iba habang tinutulungan Niya tayo.

No comments:

Post a Comment