Ang Diyos ay tunay na napakabuti sa atin! Gusto kong pasalamatan Siya para sa aming anibersaryo.” Matatag ang boses ni Terry, at ang mga luha sa kanyang mga mata ay nagpapakita ng kanyang sinseridad. Lahat ng kasama namin sa maliit na grupo ay labis na naantig. Alam namin ang pinagdaanan ni Terry at ng kanyang asawa sa mga nakaraang taon. Bagama’t isang mananampalataya, si Robert ay nagkaroon ng biglaang malubhang sakit sa pag-iisip at napatay nito ang kanilang apat na taong gulang na anak na babae. Makalipas ang mga dekada ng pagkakakulong, si Terry ay patuloy na dumadalaw sa kanya, at gumawa ng kamangha-manghang paggaling ang Diyos, na tinulungan siyang magpatawad. Sa kabila ng matinding sakit ng puso, ang kanilang pagmamahalan ay lalong lumalim.
Ang ganitong uri ng pag-ibig at pagpapatawad ay tanging mula sa isang pinagmulan. Ganito inilarawan ni David ang Diyos: “Hindi niya tayo pinarurusahan ayon sa ating mga kasalanan . . . . Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran, ganoon din niya inalis sa atin ang ating mga pagsuway” (Awit 103:10, 12).
Ang habag na ipinapakita ng Diyos ay dumarating sa pamamagitan ng Kanyang malawak na pag-ibig: “Kung gaano kataas ang langit kaysa lupa, ganoon kalaki ang Kanyang pag-ibig” sa atin (v. 11). Ang ganitong kalalim na pagmamahal ang nagtulak sa Kanya na magtungo sa krus at libingan upang kunin ang ating mga kasalanan, upang Kanya tayong dalhin sa Kanyang tahanan, ang lahat ng tumanggap sa Kanya (Juan 1:12).
Tama si Terry. “Napakabuti ng Diyos sa atin!” Ang Kanyang pagmamahal at pagpapatawad ay umaabot sa mga hangganang hindi maisip at nagbibigay sa atin ng buhay na walang hanggan.
No comments:
Post a Comment