Noong Hunyo 2016, sa opisyal na pagdiriwang ng ika-siyamnapung kaarawan ni Queen Elizabeth. Mula sa kanyang karwahe, kumakaway ang monarka sa mga tao, dumaraan sa harap ng mahabang linya ng mga sundalo na naka-pulang amerikana, nakatayo nang perpektong matikas at hindi natitinag. Mainit ang araw sa Inglatera, at ang mga guwardiya ay nakasuot ng kanilang tradisyunal na madilim na pantalong lana, mga jacket na lana na nakabutones hanggang sa baba, at malalaking sumbrerong yari sa balahibo ng oso. Habang ang mga sundalo ay nakatayo sa mahigpit na hanay sa ilalim ng araw, may isang guwardiya na nagsimulang himatayin. Kakaiba, pinanatili niya ang kanyang kontrol at basta na lang bumagsak nang pasulong, ang kanyang katawan ay nanatiling tuwid na parang tabla habang ang kanyang mukha ay sumubsob sa mabuhanging graba. Naroon siya—tila nasa atensyon pa rin.
Inabot ng maraming taon ng pagsasanay at disiplina para sa guwardiyang ito na matutunan ang ganoong kontrol sa sarili, upang mapanatili ang kanyang katawan sa lugar kahit na nawalan siya ng malay. Inilarawan ng apostol na si Pablo ang ganoong uri ng pagsasanay: “Dinidisiplina ko ang aking katawan at ito'y aking sinusupil,” isinulat niya (1 Corinto 9:27). Kinilala ni Pablo na “ang bawat nakikipagpaligsahan ay sumasailalim sa mahigpit na pagsasanay” (talata 25).
Habang ang biyaya ng Diyos (hindi ang ating mga pagsisikap) ang nagpapatatag sa lahat ng ating ginagawa, nararapat din ang ating espirituwal na buhay sa mahigpit na disiplina. Habang tinutulungan tayo ng Diyos na disiplinahin ang ating isip, puso, at katawan, natututo tayong panatilihin ang ating atensyon sa Kanya, kahit sa gitna ng mga pagsubok o abala.
No comments:
Post a Comment