Minsan ang nakakagulat na mga espirituwal na mensahe ay lumalabas sa mga hindi inaasahang lugar, tulad ng sa isang comic book, halimbawa. Ang publisher ng Marvel Comics na si Stan Lee ay pumanaw noong 2018, na nag-iwan ng legacy ng mga iconic heroes gaya ng Spider-Man, Iron Man, the Fantastic Four, the Hulk, at marami pang iba.
Ang kilalang palangiting lalaki na laging may suot na sunglasses ay may isang personal na catchphrase na ginagamit niya para magpaalam sa mga buwanang kolum sa Marvel comics sa loob ng mga dekada—ang salitang "excelsior." Sa isang tweet noong 2010, ipinaliwanag ni Lee ang kahulugan nito: ‘Upward and onward to greater glory!’ That’s what I wish you whenever I finish tweeting! Excelsior!”
Gusto ko 'yan. Maaaring hindi man napagtanto ni Stan Lee, ngunit ang paggamit niya ng kakaibang catchphrase na ito ay tumutugma sa isinulat ni Pablo sa mga taga-Filipos habang hinihikayat niya ang mga mananampalataya na huwag tumingin pabalik kundi pasulong—at pataas: “Subalit isang bagay ang ginagawa ko: nalilimutan ang nakaraan at sinisikap ang hinaharap, nagpapatuloy ako patungo sa mithiin para sa gantimpala ng mataas na tawag ng Diyos kay Cristo Jesus” (Filipos 3:13-14).
Madali tayong mababalot ng panghihinayang o pagdududa sa mga desisyon ng nakaraan. Ngunit kay Cristo, iniimbitahan tayong isuko ang mga panghihinayang at magpatuloy pataas at pasulong tungo sa mas dakilang kaluwalhatian ng Diyos sa pamamagitan ng pagtanggap ng kapatawaran at layunin na Kanyang ipinagkakaloob sa atin! Excelsior!
No comments:
Post a Comment