Naranasan mo na bang magkwento, tapos biglang huminto dahil hindi mo maalala ang isang detalye tulad ng pangalan o petsa? Madalas nating iniisip na ito'y dahil sa pagtanda, na ang alaala ay humihina habang tumatagal. Pero ayon sa mga bagong pag-aaral, hindi na ganito ang pananaw. Ang totoo, hindi ang alaala natin ang problema; kundi ang kakayahan nating kunin o alalahanin ang mga ito. Kapag hindi natin regular na inuulit o inaalala, mas mahirap itong mabawi.
Isa sa mga paraan upang mapahusay ang kakayahang ito ay ang regular na pag-alala o pagsasanay sa pagbawi ng isang partikular na alaala. Alam ito ng ating Manlilikha, kaya inutusan Niya ang mga anak ng Israel na maglaan ng isang araw kada linggo para sa pagsamba at pahinga. Bukod sa pisikal na pahinga na dulot ng ganitong paghinga, nagkakaroon tayo ng pagkakataon para sa mental na pagsasanay—ang pag-alala na “sa anim na araw ay nilikha ng Panginoon ang langit at ang lupa, ang dagat, at lahat ng naroon” (Exodo 20:11). Tinutulungan tayong maalala na may Diyos, at hindi tayo iyon.
Sa bilis ng ating mga buhay, minsan nawawala ang ating pagkakakapit sa mga alaala ng ginawa ng Diyos para sa atin at sa iba. Nakakalimutan natin kung sino ang nagbabantay sa ating mga buhay at kung sino ang nangako ng Kanyang presensya kapag tayo’y nahihirapan at nalulungkot. Ang isang pahinga mula sa ating nakagawiang gawain ay nagbibigay ng pagkakataon para sa kinakailangang “pagsasanay sa pagbawi ng alaala”—isang sinadyang desisyon na huminto at alalahanin ang ating Diyos at “huwag kalimutan ang lahat ng kanyang kabutihan” (Awit 103:2).
No comments:
Post a Comment