Si Sophia Roberts ay unang nakasaksi ng open heart surgery noong siya’y mga labing-isang taong gulang. Bagama’t mukhang bata pa siya para makakita ng ganitong medikal na pamamaraan, dapat ninyong malaman na ang kanyang ama, si Dr. Harold Roberts Jr., ay isang heart surgeon. Noong 2022, si Sophia—na ngayon ay tatlumpung taong gulang at isang residenteng doktor sa operasyon—ay nakipagtulungan sa kanyang ama para isagawa ang matagumpay na aortic valve replacement. Sinabi ni Harold, “Ano pa bang hihigit dito? Tinuruan ko itong batang ito kung paano magbisikleta. . . . Ngayon, tinuturuan ko na siyang mag-opera sa puso ng tao, at talagang nakakagulat iyon.”
Bagama't iilan sa atin ang magtuturo ng mga kasanayan sa operasyon sa isang bata, inilarawan ni Solomon ang kahalagahan ng pagtuturo ng ibang bagay sa susunod na henerasyon—ang parangalan ang Diyos at ang Kanyang mga paraan. Masigasig na ibinahagi ng matalinong hari sa kaniyang anak ang natutuhan niya sa kaniyang kaugnayan sa Diyos: “Anak ko, . . . magtiwala ka sa Panginoon nang buong puso mo” (Kawikaan 3:1, 5), “matakot ka sa Panginoon” (v. 7), “parangalan ang Panginoon” (v. 9), at “huwag mong hamakin ang disiplina ng Panginoon” ( v. 11). Alam ni Solomon na ang Diyos ay "mahal" at "nalulugod" sa Kanyang mga anak na kusang tumanggap ng Kanyang pagtutuwid at patnubay (v. 12).
Ituro natin sa susunod na henerasyon kung ano ang ibig sabihin ng magtiwala, gumalang, magparangal, at mapagpakumbabang hubugin ng ating kamangha-manghang Diyos. Ang makipag-partner sa Kanya para gawin ito ay isang mahalagang pribilehiyo at, siyempre, talagang nakakagulat!
No comments:
Post a Comment