Sa pandaigdigang audience na tinatayang nasa bilyon-bilyon, ang libing ni Queen Elizabeth II ay posibleng ang pinakapinapanood na broadcast sa kasaysayan. Isang milyong tao ang pumila sa mga lansangan ng London noong araw na iyon, at 250,000 ang pumila nang ilang oras sa linggong iyon upang makita ang kabaong ng Reyna. Isang makasaysayang limang daang hari, reyna, presidente, at iba pang pinuno ng estado ang dumating upang magbigay pugay sa isang babaeng kilala sa kanyang lakas at karakter.
Habang nakatuon ang tingin ng mundo sa Great Britain at sa paglisan ng kanilang reyna, napaisip ako tungkol sa isa pang pangyayari—isang maharlikang pagbabalik. Darating ang araw, ayon sa sinasabi sa atin, na magtitipon ang mga bansa upang kilalanin ang isang mas dakilang Hari (Isaias 45:20-22). Isang lider na may lakas at karakter (talata 24), sa Kanya "ang bawat tuhod ay luluhod" at sa pamamagitan Niya "ang bawat dila ay magpapatotoo" (talata 23), kasama na ang mga pinuno ng mundo, na magbibigay pugay sa Kanya at papangunahan ang kanilang mga bansa upang lumakad sa Kanyang liwanag (Pahayag 21:24, 26). Hindi lahat ay magagalak sa pagdating ng Haring ito, ngunit ang mga tatanggap sa Kanya ay magtatamasa ng Kanyang paghahari magpakailanman (Isaias 45:24-25).
Kung paanong nagtipon ang mundo upang saksihan ang paglisan ng isang reyna, darating ang araw na makikita nito ang pagbabalik ng pinakamataas na Hari. Kay dakilang araw iyon—kapag lahat, sa langit at sa lupa, ay luluhod kay Hesu-Kristo at kikilalanin Siya bilang Panginoon (Filipos 2:10-11).
No comments:
Post a Comment