Noong 1960, nagdulot ng kontrobersya si Otto Preminger sa kanyang pelikulang Exodus. Batay sa nobela ni Leon Uris, nagbibigay ito ng isang kathang-isip na kwento tungkol sa mga Hudyo na tumakas papuntang Palestina pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang pelikula ay nagtatapos sa mga bangkay ng isang batang Hudyo mula Europa at isang lalaking Arabo, kapwa mga biktima ng pagpatay, na inilibing sa iisang libingan sa magiging bansang Israel.
Iniwan ni Preminger ang pagtatapos sa atin. Ito ba ay isang metapora ng kawalan ng pag-asa, isang pangarap na habambuhay nang nalibing? O ito ba ay isang simbolo ng pag-asa, kung saan dalawang lahi na may kasaysayan ng poot at hidwaan ay nagsasama—sa kamatayan at sa buhay?
Marahil ang mga anak ni Cora, na iniuugnay sa pagsusulat ng Salmo 87, ay pipili ng huling pananaw sa eksenang ito. Inaasahan nila ang kapayapaang hinihintay pa rin natin. Tungkol sa Jerusalem, isinulat nila, "Dakilang mga bagay ang sinasabi tungkol sa iyo, lunsod ng Diyos" (v. 3). Umaawit sila ng araw kung kailan ang mga bansa—lahat ng may kasaysayan ng pakikipagdigma laban sa mga Hudyo—ay magsasama upang kilalanin ang nag-iisang tunay na Diyos: Rahab (Egipto), Babilonia, ang mga Filisteo, Tiro, at Cus (v. 4). Ang lahat ay matutungo sa Jerusalem at sa Diyos.
Ang pagtatapos ng salmo ay masigla. Ang mga tao sa Jerusalem ay aawit, "Ang lahat ng aking mga bukal [bukal ng tubig] ay nasa iyo" (v. 7). Kanino sila umaawit? Sa Isa na siyang Buhay na Tubig, ang Pinagmumulan ng lahat ng buhay (Juan 4:14). Si Jesus ang nag-iisang makakapagdulot ng pangmatagalang kapayapaan at pagkakaisa.
No comments:
Post a Comment