Sa isang pagbisita kasama ang aking ama sa kanyang pinakamamahal na Ecuador ilang taon na ang nakararaan, binisita namin ang farm ng pamilya kung saan siya lumaki. May napansin akong grupo ng mga kakaibang puno. Ipinaliwanag ng aking ama na kapag siya ay nakakaramdam ng pagkapilyo noong bata pa siya, kukuha siya ng itinapon na sanga mula sa isang punong namumunga, gagawa siya ng mga biyak sa ibang uri ng punong namumunga, at itali ang maluwag na sanga sa puno tulad ng nakita niyang ginagawa ng mga matatanda. Ang kanyang mga kalokohan ay hindi napansin hanggang sa ang mga punong iyon ay nagsimulang mamunga ng iba sa inaasahan.
Habang isinasalaysay ng aking ama ang proseso ng pag-e-engraft, nagkaroon ako ng larawan kung ano ang ibig sabihin ng pagiging isinama sa pamilya ng Diyos. Alam ko na ang yumaong ama ko ay nasa langit dahil siya ay isinama sa pamilya ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus.
Maaari din tayong magkaroon ng katiyakan na tayo rin ay makakapunta sa langit balang araw. Ipinaliwanag ni apostol Pablo sa mga mananampalataya sa Roma na gumawa ang Diyos ng paraan upang ang mga Gentil, o hindi Hudyo, ay mapalapit sa Kanya: “Ikaw, bagamat isang ligaw na sanga ng olibo, ay isinama sa mga iba at ngayo'y kabahagi sa masaganang dagta mula sa ugat ng olibo” (Roma 11:17). Kapag inilagay natin ang ating pananampalataya kay Cristo, tayo ay isinama sa Kanya at nagiging bahagi ng pamilya ng Diyos. “Manatili kayo sa akin at ako’y sa inyo, at kayo'y mamumunga ng sagana” (Juan 15:5).
Katulad ng mga puno na may engraft, kapag inilagak natin ang ating tiwala kay Cristo, tayo ay nagiging bagong nilalang at maaaring mamunga ng sagana.
No comments:
Post a Comment