Nagmadali kaming pumunta sa isang fast-food restaurant para sabay na kumain ng tanghalian sa maikling pahinga sa trabaho ng kaibigan kong si Jerrie. Pagdating sa pinto nang halos magkasabay, anim na binata ang pumasok sa harapan namin. Alam naming kaunti lang ang oras namin, kaya't napabuntong-hininga kami sa isip namin. Tumayo silang magkakasama sa parehong cashier para masiguradong sila ang unang makaka-order. Pagkatapos ay narinig ko si Jerrie na bumulong sa sarili niya, “Magpakita ng biyaya ngayon.” Wow! Oo, maganda sanang kami ang pinauna, pero napakahusay na paalala iyon na isipin ang pangangailangan at kagustuhan ng iba at hindi lang ang sa sarili ko.
Tinuturo ng Biblia na ang pag-ibig ay matiyaga, mabait, at hindi makasarili; hindi ito “agad nagagalit” (1 Corinto 13:5). “Madalas nitong pinipili ang kapakanan, kasiyahan, at benepisyo ng iba kaysa sa sarili,” isinulat ng komentador na si Matthew Henry tungkol sa ganitong pag-ibig. Ang uri ng pag-ibig ng Diyos ay inuuna ang iba.
Sa mundong ito kung saan marami sa atin ang madaling mainis, madalas nating hilingin sa Diyos ang tulong at biyaya na piliing maging matiyaga sa iba at maging mabait (v. 4). Sinasabi ng Kawikaan 19:11, “Ang kaalaman ay nagbubunga ng pagtitimpi; at karangalan para sa tao ang magpatawad ng kasalanan.”
Iyon ang uri ng mapagmahal na kilos na nagbibigay ng karangalan sa Diyos, at maaaring gamitin pa Niya ito upang dalhin ang kaisipan ng Kanyang pagmamahal sa iba.
Sa pamamagitan ng lakas ng Diyos, samantalahin natin ang bawat pagkakataon na magpakita ng biyaya ngayon.
No comments:
Post a Comment