Ang isang bagong dahilan para sa pag-asa ay lumitaw para sa mga taong paralisado ng mga pinsala sa spinal cord. Nakadiskubre ang mga mananaliksik sa Germany ng paraan upang pasiglahin ang paglaki ng mga ugat upang muling makonekta ang mga daanan ng nerve sa pagitan ng mga kalamnan at utak. Ang muling paglaki ng mga ugat ay nagbigay-daan sa mga naparalisang daga na muling makalakad, at patuloy ang pagsusuri upang malaman kung ligtas at epektibo ang therapy para sa mga tao.
Ang layunin ng agham na magbigay ng tulong sa mga taong naparalisa ay tinupad ni Jesus sa pamamagitan ng mga himala. Nang bisitahin niya ang pool sa Bethesda, isang lugar kung saan marami ang nanatili sa pag-asang gumaling, hinanap ni Jesus ang isang lalaki na “tatlumpu’t walong taon nang lumpo” (Juan 5:5). Matapos tiyakin na nais nga ng lalaki na gumaling, iniutos ni Cristo na tumayo ito at maglakad. “Agad namang gumaling ang lalaki; binuhat niya ang kanyang higaan at naglakad” (tal. 9).
Hindi tayo ipinangako na lahat ng ating pisikal na karamdaman ay pagagalingin ng Diyos—may iba pa sa pool na hindi pinagaling ni Jesus noong araw na iyon.. Ngunit ang mga nagtitiwala sa Kanya ay makakaranas ng kagalingan na Kanyang dinadala—mula sa kawalan ng pag-asa tungo sa pag-asa, mula sa kapaitan tungo sa biyaya, mula sa galit tungo sa pag-ibig, mula sa pagsisisi tungo sa kahandaang magpatawad. Walang siyentipikong tuklas (o pool ng tubig) na makapagbibigay sa atin ng ganitong kagalingan; ito ay nagmumula lamang sa pananampalataya.
No comments:
Post a Comment