Ang Irish na makata na si W. B. Yeats ay nais na mailibing "Sa Ilalim ng Ben Bulben," isang marangal na bundok na patag ang tuktok na ipinangalan niya sa isa sa kanyang huling mga tula. Ang huling linya ng tula ay nakaukit sa kanyang lapida: “Cast a cold eye / On life, on death. / Horseman, pass by!”
Maraming espekulasyon ang naganap tungkol sa kung ano ang ibig sabihin nito. Marahil ito ang pagkilala ng makata sa katotohanan ng buhay at kamatayan. Sa kabila ng lahat, nakuha ni Yeats ang kanyang hiling tungkol sa kung saan siya maililibing at kung ano ang nakasulat sa kanyang lapida. Ngunit ang malamig na katotohanan ay nagpapatuloy ang buhay nang wala tayo, walang pakialam sa ating paglisan.
Sa isang mahirap na panahon sa kasaysayan ng Juda, si Sebna, isang “administrator ng palasyo,” ay gumawa ng isang libingan para sa kaniyang sarili upang matiyak ang kaniyang pamana pagkamatay. Ngunit sinabi ng Diyos, sa pamamagitan ng Kanyang propetang si Isaias, sa kanya, “Sino ang nagbigay sa iyo ng pahintulot na gumawa ng libingan para sa iyong sarili dito, na humuhukay ng iyong libingan sa kaitaasan at tinatabas ang iyong pahingahan sa bato?” (Isaias 22:16). Sinabi ng propeta sa kanya, "[Ang Diyos] ay ititiklop ka na parang bola at ihahagis ka sa isang malawak na bansa. Doon ka mamamatay” (v. 18).
Nakaligtaan ni Shebna ang punto. Ang mahalaga ay hindi kung saan tayo inilibing; ang mahalaga ay kung sino ang ating pinaglilingkuran. Ang mga naglilingkod kay Jesus ay may ganitong di-masusukat na kaaliwan: “Mapapalad ang mga patay na nangamamatay sa Panginoon” (Apocalipsis 14:13). Naglilingkod tayo sa isang Diyos na hindi kailanman nagwawalang-bahala sa ating "pag-alis." Inaasahan Niya ang ating pagdating at tinatanggap tayo pauwi!
No comments:
Post a Comment