Monday, December 2, 2024

Mabuting Reputasyon para kay Cristo

Sa kanyang mga araw sa kolehiyo sa Florida State University, si Charlie Ward ay isang two-sport student athlete. Noong 1993, nanalo ang batang quarterback ng Heisman Trophy bilang pinakamahusay na manlalaro ng football sa kolehiyo sa Amerika, at nag-star din siya sa basketball team.
Sa panahon ng isang usapan bago ang laro isang araw, gumamit ang kanyang basketball coach ng ilang hindi magandang salita habang nakikipag-usap siya sa kanyang mga manlalaro. Napansin niya na si Charlie ay "hindi komportable," at sinabing, "Charlie, ano na?" Sabi ni Ward, “Coach, alam mo, si Coach Bowden [ang football coach] ay hindi gumagamit ng ganoong uri ng pananalita, at hinihimok niya kaming maglaro nang husto.”
Ang maka-Kristiyanong pagkatao ni Charlie ay nagbigay-daan upang maiparating niya sa kanyang basketball coach ang bagay na ito nang mahinahon. Sa katunayan, sinabi ng coach sa isang reporter, “Parang may anghel na nakatingin sa’yo” tuwing kinakausap siya ni Charlie.
Ang pagkakaroon ng mabuting reputasyon sa mga hindi mananampalataya at ang pagiging tapat na saksi para kay Kristo ay mahirap panatilihin. Ngunit sa parehong panahon, maaaring lumago ang mga naniniwala kay Hesus upang maging higit na katulad Niya habang Siya ang nagbibigay ng tulong at gabay. Sa Tito 2, ang mga nakababatang lalaki, at sa mas malawak na kahulugan, lahat ng mananampalataya, ay tinawag na “maging mahinahon” (talata 6) at “magpakita ng integridad . . . at wasto sa pananalita na hindi maikakondena” (talata 7-8).

No comments:

Post a Comment