“Kailangan kong ideklara ang isang emergency. Ang piloto ko ay patay na.” Nervyosong binigkas ni Doug White ang mga salitang ito sa control tower na nagmo-monitor ng kanyang flight. Ilang minuto matapos ang takeoff, biglang pumanaw ang piloto ng pribadong eroplano na nirenta ng pamilya ni Doug. Agad siyang pumunta sa cockpit kahit na tatlong buwang pagsasanay pa lamang ang kanyang natapos sa paglipad ng mas simpleng sasakyang panghimpapawid. Maingat niyang sinunod ang mga tagubilin ng mga controller sa isang lokal na paliparan na gumabay sa kanya sa ligtas na pagpapalapag ng eroplano. Kalaunan, sinabi ni Doug, “[Sila] ang nagligtas sa aking pamilya mula sa halos tiyak na nakapangingilabot na kamatayan.”
Mayroon tayong Isa na nag-iisa lamang na makakatulong sa atin sa pagharap sa mga hamon ng buhay. Sinabi ni Moises sa mga Israelita, “Ang Panginoon ninyong Diyos ay magtatalaga para sa inyo ng isang propetang tulad ko mula sa inyong kalagitnaan . . . . Dapat kayong makinig sa kanya” (Deuteronomio 18:15). Ang pangakong ito ay tumutukoy sa sunod-sunod na mga propetang ipinagkaloob ng Diyos para sa Kanyang bayan, ngunit tumutukoy din ito sa Mesiyas. Kalaunan, sinabi nina Pedro at Esteban na ang pinakahuling propetang ito ay si Jesus (Gawa 3:19-22; 7:37, 51-56). Siya lamang ang nagpunta upang ipahayag sa atin ang mapagmahal at matalinong mga tagubilin ng Diyos (Deuteronomio 18:18).
Sa buhay ni Cristo, sinabi ng Diyos Ama, “Ito ang aking Anak . . . . Pakinggan ninyo siya!” (Marcos 9:7). Upang mamuhay nang may karunungan at maiwasan ang pagbagsak at pagkawasak sa buhay na ito, makinig tayo kay Jesus habang Siya ay nangungusap sa pamamagitan ng Kasulatan at ng Banal na Espiritu. Ang pakikinig sa Kanya ang gumagawa ng malaking kaibahan.
No comments:
Post a Comment