Tuesday, December 10, 2024

Tinukso at Sinubok

Gustung-gusto ni Stanley ang kalayaan at flexibility na ibinibigay sa kanya ng kanyang trabaho bilang private-hire driver. Bukod sa iba pang bagay, maaari siyang magsimula at tumigil sa trabaho anumang oras, at hindi niya kailangang ipaliwanag ang kanyang oras o galaw sa sinuman. Gayunpaman, sinabi niya, ironic na ito rin ang pinakamahirap na bahagi.
“Sa trabahong ito, napakadaling magsimula ng isang extramarital affair,” tapat niyang inamin. “Sumasakay ako ng iba’t ibang uri ng pasahero, ngunit walang nakakaalam, kahit ang asawa ko, kung nasaan ako araw-araw.” Hindi madaling labanan ang tukso, at marami sa kanyang kapwa driver ang bumigay na rito, paliwanag niya. “Ang pumipigil sa akin ay ang pag-iisip kung ano ang iisipin ng Diyos at kung ano ang mararamdaman ng asawa ko,” sabi niya.
Ang ating Diyos, na lumikha sa bawat isa sa atin, ay nakakaalam ng ating mga kahinaan, mga hangarin, at kung gaano tayo kadaling matukso. Ngunit tulad ng paalala sa atin ng 1 Corinto 10:11-13, maaari tayong humingi ng tulong sa Kanya. “Tapat ang Diyos; hindi niya hahayaang matukso kayo nang higit sa inyong makakaya,” sabi ni Pablo. “Sa oras ng tukso, bibigyan din niya kayo ng paraan upang makaligtas kayo” (tal. 13). Ang “paraan upang makaligtas” na ito ay maaaring takot sa mga maaaring mangyari, konsensiyang nagigilty, pag-alala sa Banal na Kasulatan, isang napapanahong sagabal, o iba pa. Habang humihingi tayo ng lakas sa Diyos, tutulungan tayo ng Espiritu na ilayo ang ating mga mata mula sa tukso at ituon ito sa daang inilaan Niya para sa atin.

No comments:

Post a Comment