Kilala rin tayo ng Diyos— mas malalim pa kaysa sinumang tao, kabilang na ang ating sarili. Sinabi ni David na Siya’y “sumaliksik” sa atin (Awit 139:1). Sa Kanyang pag-ibig, siniyasat Niya tayo at ganap na nauunawaan. Alam ng Diyos ang ating mga iniisip, nauunawaan ang mga dahilan sa likod ng ating sinasabi at ang kahulugan nito (tal. 2, 4). Lubos Siyang pamilyar sa bawat detalye na bumubuo sa ating pagkatao, at ginagamit Niya ang kaalamang ito upang tulungan tayo (tal. 2-5). Siya na nakakakilala sa atin nang lubos ay hindi tumatalikod nang may pagkasuklam, kundi lumalapit sa atin nang may pag-ibig at karunungan.
Kapag nakakaramdam tayo ng kalungkutan, kawalang-pansin, o tila nakalimutan, maaari tayong kumapit sa katotohanang ang Diyos ay palaging kasama natin, nakikita tayo, at kilala tayo (tal. 7-10). Alam Niya ang lahat ng panig ng ating pagkatao na hindi nakikita ng iba—at higit pa. Tulad ni David, maaari nating sabihin nang may kumpiyansa, “Nakikilala Mo ako . . . Ang Iyong kamay ang gagabay sa akin, ang Iyong kanang kamay ang magpapatatag sa akin” (tal. 1, 10).
No comments:
Post a Comment