Saturday, December 14, 2024

Ang Perfect Regalo

Habang nasa isang outreach ako sa isang short-term mission trip sa Peru, may isang binata na lumapit sa akin at humingi ng pera. Dahil sa mga alituntuning pangseguridad, ipinagbilin sa aming grupo na huwag magbigay ng pera. Kaya, paano ko siya matutulungan? Naalala ko ang sagot ng mga apostol na sina Pedro at Juan sa isang lumpo sa Gawa 3. Ipinaliwanag ko sa kanya na hindi ko siya mabibigyan ng pera, pero maibabahagi ko ang mabuting balita ng pag-ibig ng Diyos.
Nang sabihin niyang isa siyang ulila, sinabi ko sa kanya na nais ng Diyos na maging Ama niya. Napaluha siya sa aking sinabi. Ikinonekta ko siya sa isang miyembro ng host church namin para sa follow-up.
Minsan, pakiramdam natin ay kulang ang ating mga salita, pero ang Banal na Espiritu ang nagbibigay sa atin ng lakas upang maibahagi si Jesus sa iba.
Nang makita nina Pedro at Juan ang lalaki sa may pintuan ng templo, alam nilang ang pagbabahagi kay Cristo ang pinakadakilang regalo kailanman. “Sinabi ni Pedro, ‘Wala akong pilak o ginto, ngunit kung anong mayroon ako ay ibinibigay ko sa iyo. Sa pangalan ni Jesu-Cristo na taga-Nazaret, tumayo ka at lumakad’ ” (talata 6). Tinanggap ng lalaki ang kaligtasan at kagalingan sa araw na iyon. Patuloy na ginagamit ng Diyos ang Kanyang mga anak upang dalhin ang mga naliligaw sa Kanya.
Habang hinahanap natin ang mga perpektong regalo na maibibigay ngayong Pasko, alalahanin natin na ang tunay na regalo ay ang makilala si Jesus at ang kaligtasan na Kanyang iniaalok. Patuloy tayong magpagamit sa Diyos upang akayin ang mga tao sa Tagapagligtas.

No comments:

Post a Comment