Nang maglaro ang basketball team mula sa Fairleigh Dickinson University (FDU) para sa college basketball tournament, nagpalakpakan ang mga tagahanga sa stands para sa underdog na koponan. Hindi inaasahan na makalampas sila sa unang round, pero nagawa nila ito. At ngayon, narinig nila ang kanilang fight song na tumutunog mula sa stands, kahit na wala silang banda na kasama. Ang banda ng University of Dayton ay natutunan ang kanta ng FDU ilang minuto bago ang laro. Maari sanang tumugtog na lamang ng mga kantang alam na nila ang banda, pero pinili nilang aralin ang kanta upang matulungan ang ibang paaralan at ibang koponan.
Ang mga aksyon ng banda na ito ay makikita na sumasagisag sa pagkakaisa na inilarawan sa Filipos. Sinabi ni Pablo sa unang iglesya sa Filipos—at sa atin ngayon—na mamuhay nang may pagkakaisa, o ng “isang pag-iisip” (Filipos 2:2), lalo na dahil sila ay nagkakaisa kay Kristo. Para magawa ito, hinimok sila ng apostol na talikuran ang makasariling ambisyon at isaalang-alang ang kapakanan ng iba bago ang kanilang sarili.
Maaaring hindi natural sa atin ang pagpapahalaga sa iba kaysa sa ating sarili, ngunit ito ang paraan upang tularan si Kristo. Sinulat ni Pablo, “Huwag kayong gagawa ng anuman dahil sa makasariling layunin o pagmamataas. Sa halip, sa kababaang-loob ay ituring ninyong higit ang iba kaysa sa inyong sarili” (v. 3). Sa halip na tumuon lamang sa ating sarili, mas mabuting mapagkumbabang isipin ang “kapakanan ng iba” (v. 4).
No comments:
Post a Comment